Kabanata 8

431 19 0
                                    

Nanlaki ang mata ko nang narinig ang pag-iingay ng main door. Tumikhim ako at naupo sa lounger habang pinapanood si Aaron na nilalangoy ang kahabaan ng pool at si Ez na pumapalakpak.

Inabot ko ang juice at sinimsim iyon. Saktong nagpakita si Levi. Tumutunog ang grupo ng susi na hawak niya. Pasimple akong bumaling sa kanya at nakita siyang nakatayo sa gilid ng pool at pinagmasdan ang mga pinsan.

Yumuko ako at hinayaan ang sarili. Kadugo ang tingin niya sa akin. Kailangan kong magpakapinsan sa kanya para hindi kami mabuko ni Cassandra.

"Oh, Levi? Ang bilis niyo, ah. Ano, ayos ba?" ngumisi si Carles.

Kumunot ang noo ko at binalingan siya. Gusto ko siyang punain sa kanyang tanong dahil parang kakaiba iyon.

Tumawa si Levi, "Maayos."

Maayos? Maayos ang alin?

Nilagok ko ang orange juice. Inaasahan kong dadaanan sa lalamunan ko ang tamis pero napangiwi ako sa nalasahang pait.

Narinig ko ang tawa ni Aaron na nasa gilid, "Sinong sinundo mo? Si Nathalia, tama?"

Nawalan ng imik si Levi pero kalaunan ay bumuntong hininga siya, "Tinawagan niya ako. Iyon ang unang beses. At ayaw kong tumanggi noong sinabi niyang kailangan niya ng sundo."

"Hindi ko alam na tagasundo ka na pala ngayon." si Cassandra na nakaupo rin sa isang lounger.

"Ayaw tumanggi o hindi matanggihan? Willing ka naman kasing ihatid siya kaya pumayag ka kaagad." tawa ni Abraham.

Binalingan ko ulit si Levi at nakitang kumuha siya ng tubig gamit at kamay at binasa si Abraham na tumatawa lang. Kapagkuwan ay bumaling siya sa akin at napawi ang ngiti niya.

Nagtaas ako ng kilay at naunang nag-iwas ng tingin. Tinapos ko ang iniinom at tumayo para lumapit sa pool. Kumapit ako sa hawakan at mabagal na bumaba pero nasa taas pa lang ay hinawakan na ni Cassandra ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya at nakita ang ngisi niya.

"Bababa ka na ganyan kahaba ang suot? Mababasa lang pati ang damit mo."

Ngumiwi ako, "Pero..."

"Bakit? Nahihiya ka ba sa amin?" inilibot niya ang tingin sa magpipinsan.

Napakurap-kurap ako. Pumikit ako ng mariin at tumalikod sa kanila. Hinarap ko si Cassandra at huminga ng malalim. Hinawakan ko ang laylayan ng damit na suot at inangat iyon.

Nakita ko ang nanlalaking mata ni Cassandra. Naglaro ang ngiti sa labi niya.

Humarap ako sa pool at maingat na bumaba ng hagdan. Hindi ko sila tiningnan pero lahat ay tahimik. Madulas ang bawat hagdan kaya kumapit ako ng mabuti para hindi mahulog.

Malalim iyon at hanggang dibdib ko. Nang nasa tubig na ay tumingin na ako sa kanila at nakita ang gulat nilang reaksyon.

"Damn, pinsan ba talaga kita?" bumakas ang paghanga sa mga mata ni Abraham.

Nag-init ang pisngi ko. Tumawa si Camila at nilapitan ako. Umiling ako sa kanya. Ayaw kong pumunta sa gitna pero hinihila niya ako.

"Camila..." pigil ni Levi.

Binalingan ko siya at nakitang seryoso na siya. Kahit na hinihila na ni Camila ang kamay ko, nanatili akong nakatingin kay Levi at ganoon din siya sa akin. Wala akong makitang reaksyon sa mga mata niya.

"Magpaturo tayo kay Aaron kung paano lumangoy. Mukha namang madali." nahila niya ako palapit kay Aaron na nakasandal sa gilid.

Si Ez ay nakaupo sa semento at ang dalawang paa ay nakalagay sa balikat ng kanyang ama. Nakasuot na ito ng shades.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now