Pinanood ko ang pagtawa ni Levi habang tinitingnan niya ang paglalaro ni Nathalia sa tubig. Nagtaas ako ng kilay nang tumayo siya sa gilid at namulsa. Tiningala siya ni Nathalia at may sinabing nagpatawa ulit kay Levi.
Pagkatapos niyang magsabi ng nagpagulo sa isip ko buong gabi, aakto siyang ganito ngayon?
Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin. Imbes na lapitan ang pool gaya ng gusto kong gawin kanina, lumiko na lang ako para maghanap ng kakainan.
Hindi pa kami nakakapag-almusal dahil maaga silang nagising at nagkahiwa-hiwalay na.
Wala bang restaurant dito?
"Hey, Pauleen. Saan ka?" narinig ko ang boses ni Abraham sa malayo.
Binalingan ko siya at nakitang nasa kubo siya kung saan kami nag-usap ni Levi kahapon. Hawak niya ang phone at may babae rin na kasama.
"Kakain." tugon ko at tinahak ang daan.
Hindi pa man nakakalayo, may humawak na sa kamay ko. Napatingin ako kay Abraham at tinaasan siya ng kilay. Iniwan niya ang babae niya?
Ngumisi siya. "Ang bilis mo naman. Sabing hintay, eh."
Binalingan ko ang kubo, "Iniwan mo ang kausap mo?"
Bumaling din siya roon, "Kausap iyon ni Levi kanina. May tinanong lang ako."
Tumango ako at itinuloy na ang paglalakad. Mabuti na lang at mukhang alam ni Abraham ang lugar dahil nakahanap siya ng kakainan namin. Panay ako tingin sa labas habang namimili siya ng pagkain.
"Anong gusto mo?" tanong niya habang nakatanaw sa menu.
"Hindi ba natin aayain ang mga pinsan? Baka hinahanap nila tayo."
Dinukot niya ang phone niya at may pinindot doon, "Sabi ni Cassandra susunod siya. Si Levi naman... hindi nagrereply."
Napaismid ako. Kasama niya si Nathalia kaya malamang, hindi siya susunod.
"Huwag na si Levi." matabang kong sinabi at natigilan nang bumaling siya.
"Bakit?"
Agad akong umiling. "Mukhang may ginagawa siya. Hindi no'n maiisip ang pagkain."
"Nag-eenjoy ba siya masyado para makalimutan ang breakfast?" natatawa niyang iling.
Bumuntong hininga na lang ako at inilagay ang kamay sa bulsa ng suot kong jacket. Lalabhan ko pa ang hoodie ni Levi kapag nakauwi na kami. Ayaw kong ibigay sa kanya 'yon nang hindi nalalabhan.
"Sungit mo naman, Miss. Ngumiti ka nga." siniko ako ni Abraham.
Namili kaming dalawa ng pagkain. Sinadya ni Abraham na damihan. Pag-upo sa mahabang table ay phone ang inatupag niya. Binuksan ko rin ang phone at napakunot noo nang nakita ang mensahe ni Levi.
Levi:
Nasaan ka?
Levi:
Gusto mong kumain? May restaurant sa malapit. Tayong dalawa lang.
Levi:
Kanina pa ako naghihintay, Amara.
Kumunot ang noo ko at gigil na nagtipa ng mensahe sa kanya.
Ako:
Tawagin mo akong Pauleen. Magpinsan tayo.
Nagiging line ko na 'yan habang tumatagal. Sinulyapan ko si Abraham na ngumingisi sa phone niya habang pumipindot din. Napailing na lang ako.
Levi:
Ayoko. Hindi tayo magpinsan.
Napalunok ako sa sinabi niya. Siraulo talaga. Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak niya.
YOU ARE READING
A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)
RomanceHacienda de los Caballeros Series #2 Started: 03/02/22 Ended: