Nagising ako na madilim pa at wala pang araw. Sandali pa akong natulala sa kawalan. Kumunot lang ang noo ko at tuluyang nagising ang diwa dahil sa ginawang paghawi ni Rose sa kurtina.
"Gising na, Senyorita. May naghihintay sa'yo sa baba." aniya.
Napatingin ako sa kanya kaagad, "Naghihintay? Sino?"
"Si Senyor Lucian."
Maagap akong bumangon at pumasok sa banyo para makapag-ayos. Paglabas ng banyo ay wala na si Rose sa kwarto ko at maaliwalas na rin ang paligid dahil nakabukas na lahat ng bintana.
Bakit naman kasi ang aga niya? Naghintay siya tuloy.
Bumaba ako ng hagdan at nakita siyang prenteng nakaupo sa couch. Inangat niya ang baso ng kape at iinom sana nang namataan ako kaya mabilis niya 'yong ibinaba at tumayo.
Inayos niya ang puting damit habang hinihintay ako. Tumikhim ako at babatiin sana siya nang napansin si Levi na dumaan sa gilid ko. Nakasabay ko ba siya sa hagdan?
"Good morning." malambot na bati ni Lucian.
Good morning? Halos inunahan mo pa ang haring araw magpakita.
"Morning. Maaga ka ngayon." puna ko.
Tumawa siya ng marahan, "First date kaya... baka ikaw pa ang maghintay."
Tumawa ako. Hindi lang matanggal ang atensyon kay Levi na nakatingin din sa akin. Umaamba siyang papasok sa kusina pero nakatayo lang siya. Hindi naman siya napapansin ni Lucian dahil nasa likod nito si Levi.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Umirap siya at tamad na naglakad papasok. Napabuntong hininga ako nang wala na siya.
Naglahad ng kamay si Lucian, "Nakapagpaalam na ako sa parents at sa lolo mo."
Tumango ako, "Nakahanda na rin ako."
"Let's go?"
Tumango ulit ako. Pinauna niya akong maglakad kaya binalingan ko muna ang kusina. Nakita ko ang likod ni Levi habang umiinom ito ng malamig na tubig.
Lasing siya kagabi. Ayos na kaya siya?
Nakaparada ang mamahaling sasakyan sa labas ng gate. Pinatunog niya iyon nang nakalapit kami at nauna para pagbuksan ako ng pinto. Mukha naman siyang mabait. Naiiwan lang ang isip ko sa loob ng mansyon.
Ito ang una kong gagawin. Pagkatapos ko kay Lucian, kakausapin ko mamaya si Cassandra tungkol kay Pauleen. Hahanapin ko siya. Ano man ang mangyari.
Ikinabit ko ang seatbelt habang umiikot naman si Lucian para makapunta ng driver seat.
"Nasabi ni Mayor na ilang araw ka na lang dito at babalik ka na ng Cebu kaya minadali na ako ni Papa para dito."
Binalingan ko siya, "Kakausapin ko ang mga magulang ko."
"Hindi mo ba sila ipapakilala sa lolo mo?" unti-unti niyang nililiko ang kotse.
Huminga ako ng malalim nang pinaharurot niya iyon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala naman siyang sinabi.
"Siguro, sasabihin ko sa kanila ang ginawa ko."
"May balak ka bang bumalik o wala na?" bahagya siyang bumaling sa akin kaya napansin niya ang pagkakatigil ko, "Babalik ka pa?"
Nagkibit ako ng balikat, "Mahirap magdesisyon sa ngayon. B-baka kasi hindi ako payagan ni Mama at Papa."
"Pagbabawalan ka nila na manirahan na dito?"
"Hindi naman." agap ko, "Ayaw ko lang magpadalos-dalos. Sasabihin ko muna sa kanila at kung ano ang desisyon nila, iyon ang susundin ko."
Sandaling nagtagal ang titig niya sa akin kaya tinapik ko ang balikat niya ng marahan at tinuro ang kalsada. Tumawa siya at tumingin na sa harap. Tumingin naman ako sa gilid kung saan nakikita ang bundok. Madilim pa pero kita na ang labas. Sa kabila naman ay ang tanawin ng dagat.
YOU ARE READING
A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)
RomanceHacienda de los Caballeros Series #2 Started: 03/02/22 Ended: