Kabanata 29

453 19 3
                                    

Napatayo ako galing sa pagkakaupo at sinalubong si Mayor ng halik sa pisngi. Kararating lang niya kasama sina Aaron at Abraham. Naupo ako ulit pagkatapos dahil saktong bumaba na ang gobernador at nakikipagbati na sa mga kakilala.

Wala akong alam sa party kaya nanatili akong tahimik. Wala din akong interes dito.

Kumuyom ang kamay ko nang nakitang nakasunod si Denise sa kanyang Lolo na gobernador at nakikipagkamay din. Mukhang kilala niya na lahat ng tao na nandito.

Ngumiti siya sa akin pagtama ng mata naming dalawa. Hindi ko siya magawang suklian pero pinilit ko ang sarili kong bigyan din siya ng tipid na ngiti.

Mas lumawak ang ngiti niya, wala akong magawa kung hindi ang umiwas ng tingin.

Gusto niya si Levi. Hindi ko alam kung mabait lang ba talaga siya o baka wala siyang alam sa amin ng lalaking gusto niya.

May alam man siya o wala, sa tingin ko hindi na iyon mahalaga.

Bumalik ang tingin ko sa kanya at sa suot niyang singsing. Napalunok ako nang nakita ang mamahaling suot niyang iyon. Tama ang narinig ko kanina tungkol sa ganda ng detalye ng singsing.

"Wala pa si Levi, hija?" naagaw ang pansin ko dahil sa tanong na galing sa gobernador.

Nakatingin siya sa apo niya kaya napagtanto kong ito ang kausap. Umiling si Denise at nilabas ang phone niya.

"Baka late na siya, Lo." aniya.

Ang paninikip ng dibdib ko ay mas lalo pang lumalala sa paglipas ng minuto. Parang gusto kong lumabas para lumanghap ng sariwang hangin kahit kakagaling ko lang sa labas kanina.

"Hayaan muna natin siya. Baka papunta na iyon. Pwede na ba tayong kumain?" ngisi ni Lolo.

Tumawa silang lahat at nagsiupuan na ang ibang nakatayo kanina. Kaarawan ngayon ng isang anak ng gobernador, ang Mama ni Denise at nandito ako dahil sa invitation ni Lucian.

Hindi pa man nakakakain ay napansin ko ang panlalaki ng mata ni Denise habang nakatingin sa likuran ko. Namilog din ang labi niya na kalaunan ay naging tawa.

"Levi!" tawag niya.

Napalunok ako at hindi kaagad nakagalaw. Naamoy ko ang pamilyar na pabango niya nang dumaan siya sa gilid ko para lapitan si Denise. Tumango si Mayor habang sinusundan ng tingin si Levi.

Tumayo si Denise para salubungin siya. Pinanatili ko ang mata ko sa pagkain para hindi makita ang gagawin nila. Pero hindi ako makapagpigil nang narinig ko ang impit na tili ng babae na nasa table din namin.

"Gusto mo ba 'to?" pinakita ni Lucian ang mga pagkain sa akin.

Tumango na lang ako sa tinuro niya. Kita ko sa gilid ng mata ang pag-upo ni Levi sa tabi ni Denise. Naririnig ko rin ang tawa niya na nanunuot sa tainga ko.

Ginusto mo 'to, Amara. Huwag kang iiyak kung ikaw mismo ang may gusto ng ganito.

Ang mahalaga, nakakatawa na siya.

Noong lumabas ang mama ni Denise, tumayo siya saglit. Noong nagbibigay na ng regalo, at nagbibigay na ng mensahe ang bawat isa, nakaupo lang ako. Pumapalakpak at ngumingiti sa bawat sinasabi nila.

Hindi ko na nagawa pang sulyapan si Levi. Nakatutok lang ang mata ko sa spotlight kung saan nakaupo ang Mama ni Denise kasama ng mga kaibigan nito sa isang table.

Pagkatapos ng party, nagpa-iwan si Mayor. Ako naman, lumapit ako kay Cassandra para maging busy. Pero kahit na ganoon, hindi ko maiwasang matulala.

Napapitlag ako nang may tumapik sa aking balikat. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Lucian na bahagyang nakayuko. Nakakunot ang noo niya kaya ngumiti ako.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now