Kabanata 20

444 17 4
                                    

"Carles... kanina ka pa?" si Cassandra ang unang nakabawi sa pagkakabigla.

Hindi ko maalis ang tingin ko kay Carles at gano'n din siya sa akin. Gusto kong sabihin niya na nagkamali ako ng narinig. Gusto kong sabihin niya na kararating niya lang.

Binalingan ni Carles si Cassandra, "Sumunod ako kanina kay Pauleen."

Malakas akong suminghap. Nagkatinginan kami ni Cassandra. Lumunok siya at base sa kanyang tingin, sinasabi niyang huwag ako dapat mag-alala.

"Kaya narinig ko ang lahat." dagdag ni Carles at binalingan na ako, "Paano mo 'yon nagawa?"

"H-hindi... Carles..." nagsimula nang manubig ang mata ko.

"Pinagkatiwalaan ka namin. Paniwalang-paniwala si Lolo sa kalokohan mo." mariin niyang ani.

"Carles, nagkakamali ka-"

"Itatanggi mo pa ba, Cassandra? Narinig ko na ang lahat. Bibigyan mo siya ng pera, 'di ba? Kapalit ng pagpapanggap niya. Paano mo 'yon nagawa kay Lolo, Cass?"

"Pwede ba makinig ka." inis na saad ni Cassandra at nilapitan si Carles pero umilag ito.

"Sasabihin ko ang totoo kay Lolo, Cassandra-"

"Carles!" naging alerto si Cassandra at hinila ang kamay ni Carles, "Makinig ka muna bago mo sabihin kay Lolo ang totoo."

"Anong sasabihin mo? Paano mo ipapaliwanag ang narinig ko? Magsisinungaling ka ulit?"

Pumatak ang mga luha ko habang tinitingnan silang dalawa na nagtatalo. Galit si Carles at halatang hindi niya ako mapapatawad sa ginawa ko. Kahit naman sino.

Niloko ko sila. Pwedeng nakatulong ako pero nagsinungaling pa rin ako.

"Anong nangyayari dito?" natigilan kaming tatlo nang biglang pumasok si Mayor kasunod ni Abraham at Aaron.

Sumandal ako sa sink dahil sa panghihina. Sunod na pumasok si Levi kaya napapikit na lang ako ng marahan. Wala na akong kawala.

Ito na ang pagtatapos ng lahat. Inasahan kong matatapos ang papel ko sa pamilyang ito pero hindi sa ganitong paraan.

"Bakit kayo nag-aaway?" tanong ulit ni Mayor.

Pagdilat ko ay saktong lumalapit si Levi sa gawi ko. Hinawakan niya ng marahan ang braso ko tsaka siya tumingin sa dalawa.

"Anong mayroon? Nasaktan ka ba?" bulong niya na parang ihip na lang ng hangin sa akin dahil sa nararamdaman.

"Carles?" tanong ni Mayor na mas lalong nagpatigil sa akin.

Lumayo ako kay Levi pero napansin niya iyon. Kumunot ang noo niya at mas lalo pang nagtaka kaya tumingin siya kay Carles at hinintay ang sasabihin nito.

Malamig akong binalingan ni Carles. Parang namilipit sa sakit ang puso ko sa talim ng tingin niya. Siya pa lang na ganito na sa'kin, nasasaktan na ako. Paano pa kaya kapag silang lahat na.

"Narinig ko si Cassandra, Lolo." tumigil siya sandali habang nakatingin pa rin sa akin. "Hindi niyo totoong apo ang babaeng 'yan."

Kumunot ang noo ni Mayor at nagtagal ang titig kay Carles. Nang bumaling siya sa akin ay bakas ang matinding kaguluhan sa mga mata niya. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Carles.

Nasapo ni Cassandra ang noo niya at problemadong napasandal na lang sa gilid.

Mas lalo lang akong nanghina nang bumitaw si Levi sa pagkakahawak sa akin. Hindi ko siya kayang hawakan o sulyapan man lang.

"A-apo..." naguguluhang nasambit na lang ng matanda.

Nilabas ni Carles bigla ang phone niya. Nanlaki ang mata ko nang inangat niya iyon sa ere at isang malakas ma audio ang narinig namin.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now