Kabanata 12

365 19 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula noong huling beses na nagdala si Levi ng babae sa mansyon. Hindi ko siya kinikibo at ganoon din naman siya sa akin. Hindi ko lang maiwasan na tingnan siya lalo na kapag nararamdaman ko rin ang titig niya.

Nagpatuloy ang pagpapanggap ko bilang pinsan. Lagi rin kaming may time ni Mayor sa isa't-isa. Mabuti na lang at tumigil na ito sa pagtatanong ng tungkol sa mga magulang ko sa Cebu.

Bukod sa hindi ko pa matawagan si kuya, wala ng iba na nagpapagulo pa sa akin.

Mayroon pa pala...

Malamig ang tingin ko habang sinusundan ng tingin si Abraham na lumalapit kay Levi. Kanina pa silang dalawa na parang hindi mapakali. Masyadong obvious si Abraham dahil kamot siya nang kamot sa kilay niya.

Nasa farm kami ngayon sa anyaya ni Camila. Tahimik akong kumakain kanina nang bigla siyang pumasok at sinabing magpicnic kami at dahil mabuti akong minsan na matagal silang hindi nakasama, pumayag ako.

"Ano ba 'yang binubulong ninyong dalawa?" iritadong baling ni Cassandra sa dalawang lalaki na kanina pa.

Umikot ang mata ko at itinukod ang dalawang kamay sa likod para makapagpahinga ang binti ko. Maganda ang tanawin sa farm, malakas ang hangin, at hindi rin nakakasawa.

Ramdam ko ang paglapit ng katawan ni Camila na nakaupo sa likod ko, "Nag-away ba kayo ni Levi?"

Binalingan ko siya dahil sa bulong niya. "Anong sinasabi mo?"

"Kanina ka pa kasi niya tinitingnan. Parang hinihintay niya na magkatinginan kayo. May nangyari ba?"

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko naman pinapansin si Levi nitong nakaraang araw pero napapansin ko rin ang tingin niya.

"Wala naman nangyari, Camila. Ayos kaming dalawa ni Levi."

"Maayos? Bakit ganoon siya makatingin sa'yo? Para siyang boyfriend na naghihintay ng atensyon."

Kumunot ang noo ko at natawa ng mahina, "Nag-iisip ka lang ng kung ano."

Nagtaas siya ng kilay, "Talaga lang? Wala talagang problema?"

Umiling ako. "Wala."

"Walang ibang nangyari na hindi namin alam?"

Umiling ulit ako." Wala."

"Hindi kayo nag-away o hindi ka nagalit sa kanya?"

Muli akong umiling. "Wala, Camila. Wala."

"Halikan mo nga siya."

Nanlaki ang mata ko at laglag ang panga na napatingin sa kanya. Nakataas ang kilay niya. Halatang naghahamon sa sinabi.

"Kung walang nangyari at hindi ka galit, halikan mo nga si Levi sa pisngi."

"Ano? Halik?" pagtatanong ni Carles na narinig si Camila.

Napapikit ako ng mariin nang tumigil si Abraham at Levi sa pagbubulungan at napatingin sa amin ni Camila. Patay na.

Hindi ako makatingin kay Levi lalo na ngayon na alam kong nakatingin siya. Natawa ng mahina si Abraham kaya mas naagaw namin ang atensyon ng lahat.

"Wala naman palang problema, Levi." tudyo ni Abraham.

"Iyon ba ang pinagbubulungan niyo?" kuryosong si Cassandra.

"Napapansin ko rin 'yon." hinarap kami ni Jamila na naging kuryoso rin.

Bumuntong hininga ako.

"Halikan mo sa pisngi si Levi kung wala talaga kayong problema na dalawa. Kung hindi mo gagawin, ibig sabihin nag-away kayo o may nangyaring hindi namin alam." paghahamon ni Camila.

A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)Where stories live. Discover now