Naibaba ko ang phone na hawak. Kaka-reply ko lang kay Levi na nasa sofa ako nang nakarinig ng ingay ng doorbell at ng gate. Napatingin ako sa main door at nag-abang ng papasok doon.
Mas lalo akong nagtaka dahil mabilis na bumaba si Mayor. Pumasok si Manong Roi, ang driver niya at may dala itong maraming paper bag at mga pagkain.
Humalik si Mayor sa pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Hija, hindi ba sinabi ko sa'yo na iimbitahan natin ang mga Hernaez para sa dinner?"
Malakas akong napasinghap sa pagkabigla, "A-ang mga Hernaez?"
Tumango si Mayor, halatang excited, "Maganda ka naman na. Hindi mo na kailangan pang mag-ayos."
"Pero, Lolo, wala kayong sinabi na ngayon 'yon."
Tumawa siya ng mahina, "Surprise?"
Nasapo ko ang noo ko. Napatingin ako sa tumatakbong si Levi. Natigilan siya sa pagbaba ng hagdan dahil nakita kaming dalawa ni Mayor. Nagtatanong ang tingin niya sa akin.
"Anong ganap, Lolo? Bakit parang may bisita?" bumaling siya sa harapan.
"Mayor, papasok na po sila." deklara ni Manong Roi.
"Sige, sige. Papasukin niyo." nagsimula siyang mag-utos sa mga katulong ng kung ano-ano.
Lumapit sa akin si Levi na naguguluhan din, "Sinong sila?"
Bumuntong hininga ako at hinarap siya, "Ang gobernador."
Nag-iba ang ekspresyon niya. Malamig niyang binalingan ang pintuan at nag-abang ng unang papasok doon. Kapwa kami natigilan na dalawa nang naunang pumasok ang lalaking kasing edad ni Mayor.
Nilapitan ng matanda si Mayor at nagtawanan silang dalawa. May dalawang sumunod na pumasok na sa tingin ko ay mag-asawa.
Ngumiti sila sa akin kaya mas lalo akong naguluhan. Sila na ba? Kung ganoon, ang kausap ni Mayor ang siyang gobernador ng Alibaya?
"Good eve, Tito." bati ni Levi sa simpleng tono, "Tita..."
"Evening, Levi, hijo... ikaw si Pauleen?" nakangiting banggit ng lalaking binati ni Levi.
"Uh... opo?" ngumiwi ako.
Tumawa sila ng marahan, "Alam kong nagugulat ka pa dahil biglaan pero parating na ang anak ko." ani ng matandang babae.
Kumunot ang noo ko kasabay ng pag-iingay ng maindoor. Napatingin kaming lahat doon. Malakas akong napasinghap at nanlaki ang mata nang nakita kung sino ang bagong dating.
"Oh, ayan na pala siya, eh." ani Mayor.
Nagtagpo ang tingin namin ng lalaki. Hindi ako kaagad nakabawi mula sa pagkagulat kaya naabutan niya ang nakaawang kong labi. Nagtaas siya ng kilay at ngumisi.
Lumapit siya sa babae at hinalikan ito sa pisngi, "Mom, late ba ako?"
"Hindi, anak. Tama lang ang pagdating mo."
Inayos ko ang sarili ko bago pa niya muling tapunan ng tingin. Lumapit siya kay Mayor at nagbatian sila. Abot tainga ang ngiti ng matanda samantalang nagsisimula na akong kabahan. Idagdag pa ang tahimik na si Levi sa likod.
Hinawakan niya ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Kita ko ang paglapit sa amin ng lalaki pero una kong tiningnan si Levi. Umawang ang labi ko nang humigpit ang hawak niya sa aking balikat.
"Pauleen, nagkita na tayo noong last party, kung naaalala mo?" sambit ng lalaki kaya napilitan akong tumingin sa kanya at tumango.
"Oo, kilala kita."
YOU ARE READING
A Feather From The Sky (Hacienda de los Caballeros #2)
RomanceHacienda de los Caballeros Series #2 Started: 03/02/22 Ended: