Prologue

165 6 0
                                    

Nakatuon ang aking mata sa babaeng tulad ko ay naglalakad din, sa dulong bahagi ng daan. Magkaka-salubong kaming dalawa habang nakapagkit ang tingin sa isa't-isa.

Sumasalungat sa hangin ang buhok nya, ngunit hindi nya yun alintana. Naka-kunot ang noo at bahagyang papikit ang mata, dala ng sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha.

Saglit kong winaglit ang tingin sa kanya. Tiningala ko ang kahel na kalangitan na nasa aking unahan. Nagpapaalam na ang araw. Sabi nila ang pag lubog ng araw ang nagpapaalala sa atin, na may magandang dulot rin ang pag papaalam.

Maraming namamangha sa sunset pero alam kaya nila na sa likod niyan ay may nakatagong kwento about sa buwan at araw na nakaka-lungkot. Kahit ako naman ay naaakit ng kagandahan nito.

Saktong paglanding muli ng aking mata sa babaeng aking makaka-salubong ay nasa harapan ko na sya.

"Moon,"tawag nya sa aking pangalan.

"Let's...break up."



Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon