Malalaki ang hakbang na pumasok ako ng main door. Nadatnan ko pa si dad na may kausap sa phone na naka-upo sa sofa, pero tuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat sa hagdan.
Kuyom ang aking kamao. Nagtatangis ang aking bagang sa sobrang galit. Pano n'ya nagawa 'yon? Of all people dapat s'ya 'yong nakakaalam kung gaano nag susumikap si Eury para sa pamilya n'ya.
"Ate!" hindi ko pinansin ang pag-tawag ni Arby.
Saktong bumukas ang pinto ng kwarto nito. Mas lalo ko pang nilakihan ang hakbang. Nang maka-lapit sa kanya ay mabilis ko s'yang sinalya sa pader, ang mga braso ko ay nasa dibdib n'ya.
"What are you doing?!" gulat ang mukhang tanong nito. "Let me go." Pilit nitong inaalis ang aking braso.
"Why did you...do that?" tanong ko sa mababang tono.
"I don't know what are you talking about," pag ma-maang-maangan pa n'ya.
"Liar!" Mas diniin ko pa ang pakaka-salya sa kanya.
"Ate Moon." Marahan akong hinawakan ni Arby sa balikat.
"Stay away from here, Arby," utos ko rito.
Inalis niya ang kamay sa balikat ko ngunit nanatiling naka-tayo sa likuran ko.
"Answer my damn question, Archer!" bulyaw ko na dumagundong sa buong kabahayan.
"Ano bang sinasabi mo? Nasasaktan ako, Moon." Marahas kong inalis ang aking braso sa dibdib n'ya. Dinakot ko ang damit sa magka-bilang balikat n'ya at muling sinandal sa pader.
"You know how much she needs that job," nanggigigil na wika ko. "Pero pina-tanggal mo s"ya." Nag-likot ang kanyang mga mata.
"Wala akong alam sa pinaparatang mo." Sa kabila noon ay nagawa n'ya pang mag sinungaling, ang galing n'ya rin.
"I asked her manager! And he said that you paid him just to fired Eury!"
Nagyuko ito ng ulo, nawala ang maamo n'yang mukha na laging naka-paskil. Sinalubong n'ya ang aking tingin saka ngumisi.
"Yeah, ginawa ko 'yon. Gusto ko lang namang ma-realize n'ya na hindi ako gano'n kadaling bitawan. Ginawa ko 'yon para bumalik s'ya sa'kin," proud na wika niya.
"How about Jazmine?! Inisip mo 'yong mararamdaman n'ya?!"
"She didn't care though," kibit balikat na saad n'ya.
Pakiramdam ko ay puputok ang aking ulo sa galit. Bumibilis ang pag-daloy ng dugo sa aking ugat paakyat sa aking ulo. Nanginginig ang aking kamay na naka-hawak sa damit n'ya. Binitawan ko iyon at mabilis na lumanding sa mukha n'ya ang aking kamao.
"Moonlight!" isang malakas na sigaw ni dad na kaka-akyat lang ng hagdan kasama si tita na gulat na gulat sa ginawa kong pag-suntok sa anak n'ya.
"Ate Moon," usal ni Arby na nasa likuran ko pa rin.
Si Archer ay naka-salampak sa sahig, sapo ang dumudugo n'yang ilong.
"What the hell are you thingking, Moonlight?!" muling sigaw ni dad na ngayo'y nasa harapan ko na. Si tita naman ay tinutulungan ang anak na tumayo.
"He deserve it. " Walang bakas ng pag-sisisi na tumingin pa ako rito.
"Let's talk in my office," mahina ngunit may diin na utos nito.
Naupo ito sa kanyang swivel chair, hawak ang kanyang noo. Alam kong nagpipigil lang ito ng galit sa akin.
"Care to explain?" Tanging lamp shade lang ang tumatanglaw sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.