Chapter 8

38 7 0
                                    


"Hi," iyon nalang ang tanging nasabi ko nang mahuli n'ya akong naka-tayo sa likod ng pader. Kulang nalang ay maging si Harry Potter ako dahil pilit kong isinisiksik ang sarili sa pader na akala mo ay makaka-lusot ako roon.

Natigil s'ya sa paglalakad. Luhaan ang mata. Pinahid n'ya iyon ngunit sunod-sunod pa rin ang pag-patak niyon. Malalaki ang hakbang na lumapit s'ya sa akin. Kinakabahan na na-paayos ako ng tayo, baka bigla n'ya akong sapakin. Napa-pikit nalang ako nang ilang hakbang nalang ay nasa harap ko na s'ya.

Subalit imbes na sapak ay, ang pag-pulupot ng kanyang dalawang braso sa aking bewang, ang naramdaman ko, dahilan ng paninigas ng aking katawan.

"H-hey," nauutal kong wika. Hindi s'ya gumalaw, nanatili lang s'yang naka-subsob sa aking dibdib. Marahil rinig n'ya ang mabilis na tibok niyon.

Pano ba 'to? Hindi pa naman ako maalam mag comfort, wala naman kasi akong pakialam kahit may umiiyak sa harapan ko pwera nalang kung si Arby s'ya. Pag umiiyak 'yong kumag na 'yon bibilhan ko lang ng chocolates ay tatahan na 'yon.

"Wag kang gagalaw, ilang minuto lang ito promise," wika n'ya na naka-subsob pa rin ang mukha sa dibdib ko.

Hinayaan ko nalang s'ya na yakapin ako. Tutal pinag-tanggol n'ya naman ako kanina kay Archer, s'ya 'yong unang taong gumawa noon. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi. Ini-angat ko ang aking kamay saka dahan-dahang inilapat sa kanyang likod hanggang sa di ko namamalayan na hinahagod ko na pala iyon.


Hindi ko na malaman kung ilang oras na ba kaming naka-tulalang dalawa sa kawalan. Pagkatapos kasi nitong umiyak kanina ay dinala ko s'ya rito sa tambayan ko. Mula kanina ay hindi pa kami nag-uusap.

Ayokong mag-usisa dahil hindi ko naman ugali 'yon. Naniniwala kasi ako na, kapag ang isang tao ay gustong ibahagi sayo, ang tinatago n'ya at pinagka-katiwalaan ka n'ya ay kusa n'yang sasabihin iyon sa'yo.

"Akala ko naka-limutan ko na s'ya. After 3yrs ando'n pa rin 'yong sakit eh. Kunting pag-aalala lang n'ya, ito iiyak-iyak na naman ako." Bigla itong tumawa na parang may nakakatawa sa sinabi n'ya. Minsan nakakaawa s'ya, pero madalas nakakatakot, para kasing kamag anak n'ya si Sisa. "Nakaka-tanga ma-inlove. Ikaw ba na-inlove ka na?" Nag-likot ang aking mata hindi ko s'ya matitigan ng diretso.

"B-bakit sa'kin napunta 'yong usapan? Eh ikaw naman 'yong nag e-emote d'yan," pagpa-palusot ko.

"Siguro hindi pa 'no? Parang tuod 'yong katawan mo kanina no'ng niyakap kita, tapos 'yong puso mo parang nagka-karera sa loob sa sobrang bilis ng tibok." Bigla itong ngumiti ng naka-kaloko. "First time mo lang mayakap 'no?"

Unti-unting nag-init ang buong mukha ko, feeling ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa sinabi n'ya.

"A-ano bang sinasabi mo? S-syempre hindi," depensa ko ngunit hindi naman maka-tingin sa kanya. Alam ko kasing pulang-pula ngayon ang mukha ko. "Wala ka bang klase? Wala ka bang balak pumasok?" Pag iiba ko ng usapan para tigilan n'ya ako.

Bigla itong tumawa ng malakas na ika-gulat ko. Nababaliw na ba s'ya? Halos naka-pikit na 'yong mata n'ya dahil sa pag-tawa. Iyong malalantik na pilik mata nalang n'ya ang makikita mo. Kung kanina ay puro hikbi ang maririnig mo sa kanya, ngayon ay wala nang mapag-lagyan 'yong saya n'ya. Di ko man aminin pero alam ko na masaya rin ako na okay na s'ya.

"Mas bagay sayo pag naka-ngiti at tumatawa. Wag ka na ulit iiyak dahil mas lalo kang nagiging mukhang kawayan." Awtimatikong nahinto s'ya sa pagtawa, subalit nanatili ang matamis na ngiti sa labi n'ya.

Napa-atras ako nang ilapit n'ya ang mukha sa akin. Ayon na naman 'yong mabilis na tibok ng puso ko.

"A-anong gagawin mo?" kina-kabahan kong tanong.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon