Nakatitig lang ako sa kawalan. Dinadama ang bawat sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Hinahayaang payarin ng malamig na simoy ng hangin ang aking bagsak at itim na buhok. Hinubad ko ang salamin na tumatakip sa aking mata. Sinalubong ng tingin ang matatapos na araw.
Nandito ako sa rooftop ng eskwelahan. Hindi ko alam pero parang, nakakaramdam ako ng lungkot sa araw na ito. Mahigit isang buwan na rin no'ng mag-simula akong ligawan s'ya. Pero pakiramdam ko nalalapit na ang araw na kailangan ko nang huminto.
Mula sa itaas ay kita ko ang bulto ng dalawang tao sa ibaba. Masaya silang nag-uusap. May panaka-nakang hampasan ng kamay, kung titingnan mo ay para silang masayang couple. Hindi maitatangging malakas din naman ang chemistry nilang dalawa.
"Kailangan mo ng kausap?" tanong ng isang tinig sa aking likuran. Kahit hindi ko s'ya lingunin ay kilala ko s'ya.
"Hindi sana, kaso andyan ka na." Natawa ito sa sinabi ko. Naramdaman ko na lamang ang pag-upo niya sa aking tabi.
"Sa bawat araw na natatapos, pakiramdam ko, panibagong pahina na naman ng aking buhay ang kailangan kong buklatin. Siguro kung naipapaskil ang libro ng buhay natin sa book store, walang magbabalak basahin 'yong akin, masyado kasing boring," saad pa nito na sinundan ng pagak na tawa.
Nilingon ko s'ya, nakatingin s'ya sa dalawang tao na nasa ibaba.
"No'ng pumayag ako na ma-engage kay Archer, hindi ko naisip na, ang kapalit pala noon ay ang mawala ka sa buhay ko. Moon..." saglit s'yang huminto at sinalubong ang tingin ko. "Hindi ako tumigil na mahalin ka, kahit ngayong alam kong, iba na ang nilalaman niyan." Turo niya sa kaliwang bahagi ng aking dibdib.
"Jazmine..." usal ko.
"Kung iniisip mo na itigil ang nararamdaman mo dahil lang nakikita mong masaya s'ya kasama si Archer, mali ka," nagulat ako sa tinuran n'ya.
Akala ko ay sasabihin n'ya na naman sa akin na, itigil ko na ang nararamdaman ko para kay Eury, dahil masasaktan lang ako sa huli. Pero heto s'ya ngayon, sinasabing 'wag kong isuko ang nararamdaman ko para kay Eury.
"Hindi ako...titigil na mahalin s'ya," mahinang turan ko.
"Masaya akong nakikita kang bumabalik sa dating ikaw. Iyong version mo na kinuha ko at ni Archer, at alam kong dahil iyon kay Eury."
Tumayo na s'ya mula sa pagkakaupo. Tinapik ang aking balikat, saka naglakad na paalis.
Pagtingin ko sa baba ay wala na rin doon ang dalawa. Nakita ko na silang naglalakad sa field. Hindi katulad kanina na masaya sila, ngayon ay tila seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
Mabilis kong dinampot ang aking bag, tinakbo ang hagdan pababa ng rooftop.
Huminto ako sa pagtakbo ng ilang hakbang nalang ang layo ko sa kanila.
"Eury!" tawag ko sa babaeng nakatalikod sa akin.
"Moon," aniya pagka-lingon sa akin.
"P-Pwede ba kitang m-makausap?" tanong ko, hinahabol pa ang pag-hinga. "May gusto lang akong malaman."
Lumingon ito sa gawi ni Archer, tila nagpapaalam kung okay lang ba. Tumango at ngumiti lamang ang aking kapatid sa kanya. May sinabi s'ya na hindi ko naintindihan, dahil nag-iwas ako ng tingin.
"Tara." Lumapit s'ya sa akin, suot na naman ang ngiting nagpapalambot sa aking tuhod.
Paano ko, kakalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya? Kung 'yong mga ngiti at tawa niya ang bumubuo sa
araw ko."Gusto ko lang sabihin na...hindi na kita hahadlangan sa gusto mong gawin. Pwede mo na ulit sagutin si Archer, hihinto na ako sa panliligaw. Malinaw na sa akin na hindi ko kayang baguhin ang nararamdaman mo. Pero wag kang mag-alala, andito pa rin ako para sa'yo."
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
Storie d'amoreAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.