"Fuck what are you doing?!" singhal ko sa babaeng biglang pumasok sa aking kotse, kakapasok ko lang din at hindi napansin ang pagsunod niya.
"Fuck me, Moon," malanding usal nito sa akin. Pinasadahan ng kamay ang aking mukha.
"Get out of my car now!" utos ko rito. Ngunit imbes na sumunod ay naghubad siya ng damit. "Fuck woman!"
"Pano 'yan, hubad na ako oh," paawa nitong saad.
"I don't care, just get out of my fucking car," may diin na saad ko. Subalit muli niyang hinubad ang brassiere.
Nang-aakit na tinapunan niya ako ng tingin. Unti-unting nilalapit sa akin ang katawan niya. Mabilis kong inilayo ang sarili sa kanya.
"Please, Moon. I'm craving for you," desperadang pakiusap n'ya.
"I'm giving you a second, pag hindi ka lumabas sa sasakyan ko ngayon, I'll throw you out." Pinanlisikan ko ito ng mata.
Sadya atang hindi ito natatakot sa mga banta ko, dahil imbes na lumabas, kumandong pa s'ya sa hita ko. Fuck! This girl really insane.
Wala akong ibang ginawa kundi umiwas. Sa sobrang likot namin ay marahil gumagalaw ang kotse ko. At iisipin ng makakakita noon ay may ginagawa ritong milagro. Wala naman akong pakialam sa iniisip nila.
Maya-maya nga ay may kumatok sa bintana ng aking kotse. Kitang-kita ko ang nanlalaking butas ng ilong ni Mr. Corales, ang dean ng eskwelahan.
Tinulak ko ang babae sa passenger seat, saka binuksan ang pintuan sa driver seat. Iniwan ko s'ya roon na nagbibihis. Hinarap ko si Mr. Corales.
"Ms. Drickson!" bungad n'ya sa akin, pagkalabas ko. May kasama s'yang dalawang gwardya na pinipigil ang tawa.
"Why?" prenteng tanong ko na sumandal pa sa aking kotse.
Okay na sana eh, malulusutan ko na sana 'to. Kaya lang lumabas ang babaeng kasama ko sa kotse. At ang tang ina baliktad pa ang pagkakasuot ng damit.
"You two! Go to my office now!" turo nito sa aming dalawa. Pagkatapos ay nagmamartsang umalis.
"Baliktad 'yong damit mo," wika ko sa babae bago ko ito lagpasan.
Kasalanan n'ya na nga ito, mas lalo pa niyang pinalala. Pasalamat s'ya hindi ako nambabasag ng mukha ng babae.
"Explain," wika ni Dean nang makarating kami sa office n'ya.
"I have nothing to explain, Dean," diretsang wika ko.
"May ginagawa kang kalokohan sa loob ng university. Hindi mo ba naisip na maraming nakakakita sa inyo na dumaraan doon? Ang lakas daw ng uga ng kotse mo," nagtitimping sabi nito.
"Is it my fault, na dumaan sila roon?" pamimilosopo ko.
"Moon Drickson!" Halos Maglabasan na ang ugat nito sa noo at leeg.
"What?" maang na tanong ko.
"Makakarating ito sa daddy mo," banta nito sa akin, akala naman n'ya matatakot ako.
"Then talk to him, I'll go." Tumayo na ako at naglakad paalis. Hindi naman ako nito pinigilan.
"Hey Moon, wait!" tawag sa akin ng babaeng kasama ko kanina. "I'm sorry," nakayukong saad nito
"Ano pang magagawa ng sorry mo? Be thankful, di ko kayang mamahiya ng babae. But once na inulit mo 'yon, mananagot ka na." Tinalikuran ko na ito na nagtitimpi.
"T-Teka," pigil n'ya sa akin nang muli akong tatalikod.
"I have no time for you," walang gana kong wika. Mabilis naman s'yang umalis sa daraanan ko.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.