Moon Pov
"Ryle! Dight!" sigaw ko mula sa 1st floor ng bahay. Nalibot ko na ang buong bahay ay hindi ko pa rin sila nakikita. Saan kaya nagpunta ang dalawang iyon.
"Dight! Ryle!" muling tawag ko.
Tinungo ko ang screen door papunta sa likod bahay. Baka ando'n ang dalawang iyon.
"Don't hurt my brother!" rinig kong sigaw ng matinis na boses.
"He hurt me first, I just fight back!"
Napapikit na lamang ako ng mariin nang mapagtanto na nakikipag-away na naman ang dalawa sa kabitbahay namin na halos kasing edad nila. Nasa kabilang bakod ito nakasilip, habang pilit na pinapaliwanag kay Ryle ang totoo. Si Dight naman ay nakasalampak sa damuhan, hinihila ang laylayan ng damit ng kapatid.
"No!"
Bago pa man masugod ni Ryle si Dastine ay nahawakan ko na ito sa bewang. Kumakawag-kawag pa rin ito na pilit inaalis ang pagkakahawak ko sa kanya. Pambihira!
"Stop it, baby," saway ko rito.
"No! She pushed Dight, dada!" Pilit pa rin itong nagpupumiglas sa akin.
"Dight, did she intends to pushed you?" baling ko sa isa kong anak na lalaki na ngayon ay pinapagpag ang pwetan, pinipigilan na huwag maluha.
"No, dada. She didn't do that intentionally," sagot nito.
"See? Your brother already said it. Say sorry to Dastine," ma-awtoridad na utos ko rito. Ngunit imbes na sundin ay humalukipkip lang ito at ngumuso.
"Why would I? She hurts my brother. Besides I didn't hurt her naman," katwiran pa nito na anumang oras ay tutulo na ang luha.
Kinuha ko ang dalawa niyang maliit na kamay.
"But you prosected her," pagpapaintindi ko rito. Gusto kong malaman niya na mali ang ginawa niya.
"It's okay, tita Moon. I wouldn't mad at her. It's okay if she don't want to say sorry. I understand why she did that," singit ni Dastine. Anim na taong gulang palang siya pero napaka-maunawain na niyang bata.
"Thank you, Dastine. You're such a nice girl, honey. But still, I wan't to say sorry for what my daughter did," nakangiting saad ko rito. Inabot ko sa kanya ang aking kamay, umangat ang sulok ng labi nito habang nakikipag-shake hands sa akin.
"Lets get inside," baling ko sa dalawa. Kinarga ko si Ryle na hanggang ngayon ay naninigas ang katawan. Si Dight naman ay hawak ko ang kamay, halos mabali ang leeg kakalingon kay Dastine
"Tita Moon!" tawag nito sa akin bago pa kami makapasok sa loob. Nagulat ako sa sunod nitong sinabi, "Would you get mad if I would court Ryle when we're already on the right age?"
Tila nalulon ko ang aking dila sa kanyang tinuran. Ang bata-bata pa nila, limang taong gulang palang ang anak ko. Jusko!
"Ahm, Das...ahm." Hindi ko mahagilap ang tamang salita.
"But even if you are, I will still court her anyway," bumubungisngis na turan pa nito, at nagtata-takbo palayo.
What the heck?! Naiiling na pumasok ako sa loob ng bahay. Hindi ko kinakaya ang utak ng mga kabataan ngayon.
Saktong pagkapasok namin sa loob ay bumababa ng hagdan si Eury. Ibinaba ko si Ryle sa couch at sinalubong ito. Hirap itong maglakad dahil kabuwanan na niya sa pangatlo naming anak. Maswerte kami dahil kambal ang panganay namin.
"Bakit busangot ang mukha ng mga anak mo?" tanong nito nang mapansin ang dalawa na hindi nagpapansinan.
"Nakipag-away na naman doon sa kapitbahay natin," sagot ko. Nilapitan n'ya ang mga ito at naupo sa tabi nila.
"Wala ba akong kiss?" untag niya sa dalawa. Sabay namang tumayo ang mga ito at humalik sa pisngi ng kanilang mommy.
Ako naman ay lumuhod sa harapan nilang tatlo.
"Ryle baby, I'm sorry, pero nagkamali ka, anak. Learn to say sorry hmm." Hinaplos ko ang maamo nitong mukha.
"I'm sorry, dada," humihikbing ani nito saka yumakap sa aking leeg.
"It's okay, honey. Dastine is nice girl, make friend with her."
"I don't like her. She always ignoring Dight, and I don't want my brother to be sad," bulong nito, siguro'y para hindi marinig ng kanyang kapatid.
"Mom, can I court Dastine?" Tila mapapa-anak si Eury sa tanong ng kanyang anak. Tumingin ito sa akin, sinenyasan ko ito na ako na ang bahala.
"Dight baby, you're still young," tanging wika ko.
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag dito ang totoo. Alam kong darating ang araw na magkaka-problema silang magkapatid, pero sana ay hindi naman.
Niyakap ko ito at ginulo ang buhok. Ang bilis lang ng panahon. Anim na taon na agad ang nakalipas. May dalawa na kaming anghel at may pangatlo pa.
Nag-resign na si Eury sa kanyang trabaho dahil naging maselan ang pagbubuntis niya. Tinutulungan nalang niya ako sa pagma-manage ng aming kompanya. Nang malaman nito na ako pala ang CEO ng Trio Construction Company ay gulat na gulat ito. Pumasok lang naman ako noon sa pinagta-trabahuhan niya para mapalapit sa kanya.
"C'mon, breakfast is ready," aya ko sa mga ito. Inakay ko patayo ang aking asawa, ang dalawa ay tumakbo na papunta sa kitchen.
"I'm sorry, baby, di kita matulungan dito sa bahay," ani nito, nakayakap ako sa kanyang bewang.
"Ayos lang, baby. Kaya ko naman." Marahan kong tinaniman ng halik ang kanyang noo. "Mas gusto ko na nagpapahinga ka, malapit ng lumabas ang isa pa nating baby."
Hinimas ko ang malaki niyang tiyan. Abot tenga ang ngiti ko nang maramdaman ang pag-sipa nito sa loob.
"Alam mo ba na may manliligaw na sa prinsesa natin," pagbabalita ko. Natawa ako nang hindi maipinta ang mukha nito.
"Sino?"
"Nagpaalam na sa akin si Dastine kanina. Aww!" daing ko nang batukan niya ako.
"Pinayagan mo? Eh ang bata pa ng anak mo, Moonlight." Umikot ako at niyakap s'ya mula sa likod.
"Sabi naman niya pag nasa tamang edad na sila. Tsaka ang sabi pa niya kahit magalit ako, liligawan pa rin niya si Ryle," natutuwang kwento ko. "Biruin mo 'yon, anim na taong gulang na bata, pero may lakas na ng loob na sabihin iyon."
"Tuwang-tuwa ka pa riyan. Hindi ka ba nangangamba, si Dight ay gusto si Dastine, habang si Dastine ay gusto si Ryle. Paano paglaki nila ay mag-away sila?" Naisip ko rin naman iyon.
"Bata pa sila, maaari pa iyong magbago."
"Dada, I thought we're going to eat?" Napakalas ako sa pagkakayakap kay Eury nang magsalita si Ryle.
"Ah yeah baby."
Kita ko ang pagpipigil ng tawa ng mommy nila. Hayst, inirapan ko na lamang ito. Wala namang problema kahit ako pa ang gumawa ng lahat ng gawain dito sa bahay, ang mahalaga naaalagaan ko sila. Masaya na ako na nakikita silang ini-enjoy ang mga niluto ko. Kahit gaano pa katambak ang trabaho ko sa office, hindi ako mawawalan ng oras para sa kanila. Kapag pagod ako, nawawala iyon agad sa tuwing sasalubungin nila ako ng yakap.
Hindi naman naging gano'n ka-perpekto ang naging pagsasama namin ni Eury. May pagkakataon na hindi kami nag-uusap ng buong maghapon. Minsan pa nga ay nag-aaway kami dahil lang sa maliliit na bagay. No'ng nagsama kami sa iisang bubong ay may mga hindi rin kami napagkasunduan. Pero mahalaga roon, bago matapos ang araw ay naaayos namin ang problema. Hindi na namin hinihintay pang lumaki 'yong maliliit na bagay. Natutunan naming mag give-way at tanggapin 'yong mga pagkakaiba namin. Hindi naman required na laging masaya, ang importante sa kabila ng lahat pinipili n'yo pa rin ang isa't-isa. Masasabi kong kahit ilang alon pa ang humampas sa aming dalawa, hinding-hindi na kami matitinag. .
"I love you," bulong ko sa tenga niya habang pareho kaming nakatingin sa kalawakan na tanaw mula sa bukas naming bintana.
"I love you more," tugon niya. Lumingon siya sa akin at agad na inilapit ko ang aking mukha sa kanya. Dinampian ko ng halik ang labi niya.
Katulad ng buwan at araw na hindi napapagod na sumikat, hindi rin ako mapapagod o matatapos na mahalin siya. I won't get tired of riding her waves.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.