Sumisipol-sipol akong pumasok sa loob ng bahay. Bitbit ang susi ng kotse na pinaglalaruan ko sa aking daliri.
"Sa'n ka na naman galing?" isang ma-awtoridad na tinig ang sumalubong sa akin.
Naka-upo s'ya sa mahabang sofa rito sa living room. Di tulad ng lagi kong nakakagawian na makita. Wala s'yang kausap sa phone, hindi rin n'ya kaharap ang kanyang laptop. Prente lang s'yang naka-upo roon, naka-de kwatro pa ang paa.
"D'yan lang," sagot ko na akmang lalakad na ulit.
"About sa nasabi ko sa' yo last time. I didn't mean it. I'm just...disappointed in you," ani nito bago pa ako tuluyang maka-akyat ng hagdan.
"Don't worry. I'm used to it." 'Yon lang at nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.
Pumasok ako sa aking kwarto. Binagsak ang sarili sa malambot na kama. Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.
Para akong tanga na bumalikwas ng bangon saka tinungo ang balcony.
"Mom, I'm inlove...again," pagkausap ko sa kalangitan. "Pero iba 'to. I think mas malala 'yong nararamdaman ko para sa kanya. What would I do?" tanong ko, kahit wala namang sasagot sa akin mula roon.
"But I guess I have no chance in her. She still loves Archer. That dumbass, he's too good at everything, while I'm just a cold and troublemaker person. I'm just good at flirting." Nawawalan ng pag-asang naghalumbaba ako, nakatuon ang siko sa terrace.
Ilang minuto ako sa ganuong position nang may malakas na tumulak sa pintuan ng aking kwarto. Napabalik ako sa loob upang alamin kung sino iyon.
Naabutan ko si Archer na seryoso ang mukha. Nagtama ang mata naming dalawa.
"What are you doing here?" malamig na tanong ko sa kanya.
"I warn you, Moon. Stay away from Eury," nagbabanta ang tono ng kanyang pananalita.
"Why would I?" naghahamon na tinapatan ko ang tingin n'ya.
"She will only get into trouble. Her name will only be stained with your name. So stop playing around and let her live in peace," saad nito na hindi inaalis ang masamang tingin sa akin.
Sumandal ako sa glass door na nakabukas. Saglit kong inalis ang tingin sa kanya ngunit binalik rin na may mapaglarong ngisi sa labi.
"And what, for you to manipulate her life so she would come back to you? I'm not that dumb, Archer. Maybe you're good in everyone's eyes but not on me. Umaalingasaw ang baho mo na nanunuot sa aking ilong." Mula sa pagkakangisi ay sumeryoso ang aking mukha.
Kita ko ang pag lunok n'ya ng laway. Ang pag taas-baba ng kanyang adams apple.
"I saw you with her siblings at the mall. Please Moon, wag naman si Eury. Hiwalay na kami ni Jaz, s'ya naman ang mahal mo, hindi ba? Pwede n'yo na ulit ituloy 'yong relasyon n'yo na nasira."
Kung kanina ay ang tapang-tapang ng boses n'ya. Ngayon ay tila isa s'yang tupa na nagmamakaawa.
"How does it feel, Archer?" Tinapunan n'ya ako ng nangtatanong na tingin. "That you are begging me not to love the person you love?"
"So you're only doing this just to get revenge on me?"
"If that's the case, mas madali mo lang s'yang mababawi, diba?" I turned my gaze to the balcony. "But I love her...I really do love her."
"Moon," usal n'ya sa pangalan ko na garalgal ang boses.
"I know, when it comes to you, I lose. I'm just a villain who destroys everything." Gano'n naman talaga ang tingin nila sakin. "But I'm willing to do anything, just so you don't get her...again."
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.