Nililis ko ang sleeve ng suot ko upang tingnan ang oras sa aking wrist watch. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang first class ko pero di man lang ako naalarma.
Kung tutuusin ay makakaabot pa ako doon kung magmamadali lang ako, dahil malapit lang naman itong hotel sa university na pinapasukan ko. Kaya lang wala talaga akong pakialam kung mahuli man ako sa klase.
Malapit na ako sa ground floor ng hotel nang bumukas ang elevator na sinasakyan ko. Bumungad sa akin ang babaeng nakayuko na tila bagot na bagot.
Tumaas ang tingin nito, dahilan upang magsalubong ang aming mata. I was greeted by her narrow chocolate brown eyes. Kunti nalang ay tila pipikit na ito, nag-hikab pa nga ito halatang inaantok pa. Naisip ko tuloy kung kagaya ko ba ay nag check-in din ito para makipag one night stand
Tuloy-tuloy itong pumasok sa elevator. Hindi na ito pumindot ng floor marahil sa ground floor din s'ya bababa. Mula sa gilid ng aking mata ay kita ko ang pag sandal nito sa elevator. Tuluyan nang pumikit ang kanyang mata. Hindi ko maiwasang hindi tingnan ito. Malaya kong natititigan ang kanyang mukha. Kapansin-pansin din ang malalantik n'yang pilik mata dahil sa naka-pikit nga s'ya. Bahagyang namumula ang maputi at makinis n'yang mukha gano'n din ang matangos niyang ilong na binabagayan nang maninipis n'yang labi. Aakalain mong galing s'ya sa pag iyak.
"Tunaw na ata ako eh." Nabalik ang tingin ko sa mata n'ya nang mag-salita ito. Napako kasi ang tingin ko sa mga labi niya.
Nakailang lunok ako bago nag-iwas ng tingin nang makitang bahagyang naka-mulat ang isa niyang mata, habang naka-angat ang sulok ng kanyang labi.
"Ehem," pa-simple akong tumikhim para maalis ang pagka-pahiya.
Mabuti nalang at bumukas na rin ang elevator. Dali-dali akong lumabas dahil hindi tumitigil ang babae sa pag-ngiti.
Paglapit ko sa motorbike na dala ko ay naabutan ko naman ang isang babaeng naka-tayo sa tabi noon. Di ko pa man nakikita ng buo ang kanyang mukha dahil naka-talikod ito sa akin ay kilala ko na ito.
"Mali-late na pero chill pa rin?" nanunuya n'yang wika paglapit ko.
Tinapunan ko lamang ito nang walang emosyong tingin.
"Anong ginagawa mo rito?" walang ganang tanong ko rito.
"Nothing. You're too serious," rinig kong bulong niya.
Hindi ko na lamang ito pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa pag aayos ng aking motor.
"Pwede bang maki-sabay? Wala kasi akong dalang car," muling saad niya.
"In one condition." Saglit akong tumigil saka muling nagsalita, "Shut your fucking mouth."
"Tsss what do you think of me, madaldal?"
Imbes na sagutin ito ay iniabot ko na lamang ang extra kong helmet sa kanya. Tinitigan n'ya lang iyon na tila nagda-dalawang isip kung kukunin o hindi.
"Sasama ka ba o hindi?" Napa-nguso ito saka kinuha ang helmet na inaabot ko sa kanya
"Masyado ka namang mainipin." Nagdadabog na umangkas na ito sa aking likuran.
Walang sabi-sabi na pinaandar ko ang motor. Sa gulat ay napayakap s'ya sa aking bewang.
"S-Sorry," rinig kong wika n'ya na kaagad inalis ang kamay na naka-pulupot sa bewang ko.
Nadaanan ko pa ang babaeng naka-sabay ko kanina sa elevator. Naglalakad lamang ito. Ano 'yon wala s'yang car? Eh bakit sa groundfloor s'ya bumaba?
15mins. lamang ang tinakbo namin at nakarating na agad kami sa univesity. Pagkababa pa lang ay pinag titinginan at pinag bubulungan na kami ng mga estudyante.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.