Chapter 16

37 6 0
                                    

Naglalakad ako sa pasilyo ng University nang may humarang sa aking daraanan. Tatlong lalaki na maaangas ang mukha. Ang papangit nila.

"What do you need?" tanong ko sa mga ito.

Tumigil ako ilang hakbang ang layo sa kanila. Ngumisi lang naman ang mga ito na mga mukhang aso.

"Tss, don't smirk, you look like a dog," pang-iinis ko na effective naman dahil agad nagtangis ang mga bagang nila.

"Mayabang ka talagang hayop ka," saad ng isa na pinalalagutok pa ang mga buto sa leeg.

"Ano birahin na natin?"

Umangat ang sulok ng aking labi sa sinabi ng isa. Sa tingin n'ya ba gano'n ako kadaling patumbahin. 

"I'm waiting, monkey king."

Akmang susugod ito nang pigilan ng isa n'yang kasama. Inis na inis ang pagmumukha niyang parang unggoy, kulang nalang maghawak s'ya ng saging.

"Easy, hindi s'ya gano'n kadaling patumbahin," banta no'ng pumigil sa kanya.

"Binggo, If I were you, tatakbo na ako paalis." Kalmante lang akong nakahalukipkip. Nag-iintay sa gagawin nilang galaw.

"Hindi sa lahat ng oras ay mananalo ka, Drickson," maangas na sabi nito.

"Then let's see."

Pinorma ko ang aking kamao. Kahit anong mangyari ay hindi ako susugod. Sila ang naghamon, eh 'di sila ang sumugod.

"Moon! si Eury, bilisan mo!" Biglang sumulpot ang dalawang babae medyo malayo sa kinaroroonan namin.

Bakit? Anong nangyayari kay Eury?

Na-occupied ng pag-iisip ang aking utak, nakalimutan ko na may mga aso nga pala sa harapan ko. Huli na dahil naramdaman ko nalang ang pagtama ng kamao sa aking mukha.

Napaatras ako. Mabuti nalang naituon ko ang isang paa at hindi ako natumba. Bago pa ako maka-recover ay isang suntok na naman ang natanggap ko. Tang ina! 'Pag ako nakabawi basag ang mukha nila, kahit mukha ng basag.

Tuluyan na akong napaluhod. Pota! Hindi pwede, kailangan ko pang puntahan si Eury.

"Sabi ko naman sa' yo eh, hindi sa lahat ng oras panalo ka."

Sinabunutan n'ya ako at tiningala ang aking mukha. Hawak ako ng dalawa n'yang kasama sa magkabilang kamay. Malakas niyang sinuntok ang aking ilong. Umagos ang dugo mula roon, sa sobrang lakas ng impact ng suntok n'ya.

Napangiwi nalang ako. Muli n'ya akong hinawakan sa buhok. Nilapit n'ya ang mukha sa akin, isang malaking pagkakamali na ginawa n'ya.

"Siguro nga, pero hindi sa oras na ito mo ako matatalo." Nginisian ko muna s'ya bago malakas na inuntog ang aking noo sa kanya.

Hindi alintana ang sakit dahil sa pagkaka-untog. Sinamantala ko ang pagkakataon na dumadaing pa s'ya sa sakit. Hinigit ko ang kamay sa dalawang nasa magkabila kong gilid, dahilan upang magka-umpugan ang kanilang katawan at mabitawan ako.

"Now it's my turn, monkeys."

Sinipa ko ang mukha ng isa, sa lakas noon ay tumumba s'ya. Sinalag ko ng isa kong kamay ang pinakawalang suntok ng isa pa. Hinawakan ko s'ya sa sinturon at inihagis palikod.

Binalingan ko ang sumuntok sa akin kanina. Dumudugo ang noo n'ya dahil sa pagkaka-untog ko. Hinawakan ko rin ang buhok n'ya saka sunod-sunod s'yang binira sa mukha, hanggang sa mapuno ng dugo iyon. Binitawan ko s'ya na hinang-hina.

"Pasalamat kayo may kailangan pa akong puntahan, kung hindi baka 'di lang 'yan ang inabot n'yo," wika ko.

Pinulot ko ang aking bag na nasa sahig. Itinapon ko ito kanina. Tinakbo ko na ang hallway. Kainis, nasa'n na 'yong dalawang babae. Sa'n ko ba hahanapin si Eury?

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon