Mataman kaming nakatitig ni Eury sa kalangitan, habang parehong nakasandal sa aking kotse. Magka-salikop ang mga kamay.
"Baby..." Lumingon ako sa gawi niya, subalit ito'y nanatiling nakatingin sa kalawakan. "Thank you huh, napasaya mo na naman sila. Bakit mo ba ginagawa sa amin 'to?"
Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. Ni-rub ng hinlalaki ang likod ng kanyang palad, saka nilapit sa aking bibig upang taniman ng halik.
"Mahal ko kayo, 'yon lang. Tsaka naisip ko, imbes na kumain tayo sa labas at ano pa, magluto nalang tayo sa bahay ninyo at mag date kasama ang pamilya mo. Besides andyan naman sila sa simula't-simula pa lang. Kahit no'ng sinagot mo ako ay nandyan sila, so dapat sa date natin nandyan din sila." Doon bumaling ang tingin niya sa akin.
"Ano bang nagawa kong mabuti para ibigay ka sa akin ng Dyos?" Hinaplos niya ang aking pisngi, habang naka-kurba ang labi.
"No, ako ang dapat magtanong niyan. Kasi last time I know, I'm just a villain in the city, then you came, not to protect them from me, but to saved me from them." Mas hinigpitan ko ang pagkapit sa kanyang kamay.
Hindi ko hahayaang may kumuha nito sa akin. Kung kailangan ko itong itali sa akin ay gagawin ko, wag lang mahila sa akin ng iba.
"I love you, baby." Lumapad ang pagkaka-ngiti ko nang bigyan niya ako ng smack sa labi.
"I love you so much, baby," bulong ko saka muli siyang kinabig, at hinalikan ang kanyang noo. Isinandal niya ang ulo sa aking balikat.
"Tandaan mo na, kahit gaano pa karami ang bituin sa langit, hindi noon mapapantayan ang hangganan kung gaano kita kamahal, dahil wala naman talaga iyong hangganan."
Hindi ako na-inform na magaling din pala siyang magpakilig. 'Yong feeling na gusto mong magpagulong-gulong sa bulak kasi dinadala ka ng mga salita niya sa ulap.
"Grabe ganoon ka ka-inlove sa akin?" pang-aasar ko.
"Bakit ikaw hindi?!" Di pa man ako sumasagot ay nanlilisik na ang tingin niya sa akin.
"Syempre hindi..." Mag wa-walk out na sana ito, nang hilahin ko ang kanyang kamay na hawak ko.
Inikot ko siya at pinulupot ang braso sa kanyang bewang, Yakap ko siya mula sa likod, ang aking baba ay nakapatong sa kanyang balikat.
"Hindi ko kayang sukatin, Eng. Diaz. Tampo ka agad eh. Gusto ko pag nagka-bahay tayo, ako mag de-design tapos ikaw 'yong construction worker," biro ko, agad naman ako nitong hinampas sa braso.
"Sige ako ang construction worker, basta ikaw iyong ihahalo ko sa semento." Tuluyan na akong natawa, ang bilis kasing mapikon.
"Simple lang dapat iyong bahay natin. Kasi kapag sobrang ganda ng bahay, tapos sobrang ganda pa ng nakatira, grabe perfect na iyon."
"Bola na naman, hmp." Napaka-sungit talaga ng girlfriend ko.
"Harap ka nga sa akin." May pag-iling pa, akala naman niya may choice s'ya.
Pinihit ko s'ya paharap sa akin, kinulong ang pisngi sa aking palad. At paulit-ulit na binigyan ng smack.
"Huwag ka na magtampo, sige ako na ang taga abot ng hallow blocks."
Nag-iwas ito ng tingin, para di ko makita ang pagpi-pigil niya ng tawa. Pero hindi na s'ya makakatakas pa.
"Arghhh! Kainis ka hahahahaha."
Natatawang niyakap ko siya, muli naman siyang pumihit paharap sa unahan. This time ay s'ya na mismo ang nagpulupot ng aking braso sa kanyang bewang.
Walang imik na ninanamnam ang bawat sandali, ang mga yakap na iniibsan ang lamig ng pang gabing hangin na tumatama sa aming balat. Sa susunod na taon o kahit ilan pang taon, sana ganito pa rin kami.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.