Chapter 32

39 6 0
                                    

Nakatuon ang aking mata sa babaeng tulad ko ay naglalakad din sa dulong bahagi ng daan. Magkaka-salubong kaming dalawa habang nakapagkit ang tingin sa isa't-isa.

Sumasalungat sa hangin ang buhok n'ya, ngunit hindi n'ya 'yon alintana. Nakakunot ang noo at bahagyang papikit ang mata, dala ng sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha.

Saglit kong winaglit ang tingin sa kanya. Tiningala ko ang kahel na kalangitan na nasa aking unahan. Nagpapaalam na ang araw. Sabi nila ang pag lubog ng araw ang nagpapaalala sa atin, na may magandang dulot rin ang pag papaalam.

Maraming namamangha sa sunset, pero alam kaya nila na sa likod niyan ay may nakatagong kwento about sa buwan at araw na nakaka-lungkot. Kahit ako naman ay naaakit ng kagandahan nito.

Saktong paglanding muli ng aking mata sa babaeng makaka-salubong ay nasa harapan ko na s'ya.

Nakapaskil ang malawak na ngiti sa kanyang labi, tinititigan ako na parang ako ang pinaka-mahalagang tao sa buhay niya. Iniiwas ko ang tingin sa kanya.

"Bakit hindi ka pa dumiretso ng bahay? May gusto ka bang sabihin sa akin, baby?" Ando'n pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Nanatili lamang akong tahimik.

Hindi ko alam, kaya ko ba? Paano ko makakayang makitang nasasaktan s'ya?

"Hey..." Inabot niya ang aking kamay, subalit winasiwas ko iyon.

"Let's break up," direstang sabi ko, sinalubong ko ang naguguluhan niyang mga mata.

Pinipigil ang sariling luha na wag akong traydorin. Pero kailangan ko itong gawin, kailangan ko s'yang saktan.

"Ano ka ba, biro ba 'yan?" Naglabas siya ng pilit na ngiti. "Prank ba ito, asan ang mga kasabwat mo huh? Hoy lumabas na nga kayo!" sigaw niya na lumilinga-linga pa.

"Listen, I don't love you, even a bit," saad ko na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Moon...nasasaktan na ako huh." Nagsimulang mangilid ang luha sa kanyang mata. "Huwag ka namang magbiro ng ganyan."

God, ano bang nagawa ko para gawin ito sa akin ni dad? Ano bang kasalanan ko sa kanya? Gusto ko s'yang yakapin, sabihin na biro lang, na hindi 'yon totoo. Pero tang ina naman!

"Iyon naman talaga 'yong plano namin, ang saktan ka. Nakalimutan mo na bang, pareho ang dumadaloy na dugo sa ugat namin ni Archer. Kung nakaya ka niyang saktan, ako pa kaya." Mas naging visible ang sakit sa kanyang mata, bawat bitawan kong salita ay tila bumabaon sa kanya.

Kung pwede lang na lunukin ko na lamang ang aking dila, nang sa gano'n hindi ko na siya kailangan pang saktan ng aking mga salita. Ngunit kailangan, kailangan kong itulak siya palayo.

"Hindi ako naniniwala sayo," palatak niya na tuluyan nang pumapatak ang luha. "Nagsisinungaling ka, hindi ba? Sabihin mo sa aking nagsisinungaling ka!"

Pinaghahampas niya ang aking braso. Niyuyugyog ang aking balikat. Pwede bang itakbo ko na lamang siya palayo? Nanatili akong walang emosyon, pilit pinipigilan na kabigin s'ya, at bawiin ang lahat ng mga nasabi ko.

"Moon naman!" Tuluyan na s'yang humagulgol nang walang makuhang sagot sa akin, habang ang mga palad ay nakatakip sa kanyang bibig.

I'm sorry, I'm really sorry. Pero hindi ko pwedeng isugal 'yong pangarap mo, para lang manatili ka sa tabi ko. Nakita ko kung gaano ka naghihirap para lang maabot iyon. Kung kinakailangang kamuhian mo ako, maisalba lang ang hinaharap mo na pwedeng maka-ahon sayo sa hirap, gagawin ko.

"Sabi mo...hindi mo ako iiwan, hindi ba? Bakit ngayon nakikipaghiwalay ka?!" muling sigaw niya.

"Aalis na ako," tanging 'yon na lamang ang nasambit ko.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon