Chapter 42

53 7 0
                                    

Moon Pov

"Mukhang maganda ang gising natin, Eng. Diaz ah," rinig kong puna ng isang engineer kay Eury.

Kanina pa kasi ito nakangiti habang kausap ang mga trabahador. Habang nagpapaliwanag ng mga gagawin ay nakangiti rin, gano'n din sa meeting. Lihim akong natawa dahil alam ko kung bakit gano'n ang mood niya.

Nakalugay ang buhok nito na pinapatungan ng suot na hard hat, habang pinapayad ng hangin ang dulo. Humahapit sa kanyang flat na tiyan ang long sleeve blouse na suot, naka-ipit sa unahan ng kanyang suot na faded maong pants ang laylayan noon. Simple lang pero ang lakas pa rin ng dating. 'Yong tipong hindi ka na makapaghintay na matapos ang araw para muli siyang maikulong sayong bisig, habang pareho kayong nakahilata sa kama.

"Ano bang sinasabi mo, Eng. Frado, ganito naman talaga ako ah," sagot nito sa kaharap. Pa-simple pa itong sumulyap sa gawi ko.

"Sus madalas ka kayang naka-simangot na akala mo'y lahat ng problema ay binagsak sa iyo, ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya."

"Baka may boyfriend na si ma'am," singit no'ng isa pang engineer.

Natawa ako nang mabilis na kumalat ang dugo sa kanyang mukha. Hindi talaga siya pwedeng magtago ng sekreto, mahuhuli agad.

"Ano ba kayo, ako lang ang nagpapasaya riyan sa babe ko." Nagtiim ang aking mga bagang nang lumapit sa kanya ang feelingero na iyon at umakbay pa.

"Tigilan mo nga ako, Eng. Cuevas." Pabalang niyang inalis ang kamay ng lalaki sa kanyang balikat. Ngunit ang gago hindi ata maalam makiramdam.

Hindi na ako nakatiis at naglakad palapit sa kanila. Walang pakundangan na pinulupot ko ang aking braso sa kanyang bewang, at hinigit siya palapit sa akin. Sa ginawa ko ay lahat sila'y napako ang tingin sa akin at sa kamay kong nasa bewang ni Eury. Ang katabi ko naman ay gulat na gulat sa ginawa ko.

"I'm her girlfriend," proud na saad ko. "Right, baby?"

Subukan lang niya akong itanggi at itatapon ko siya sa kabilang lote.

"Uhm, she's my girlfriend." Akala ko ay hindi siya sasagot, pero nagulat ako nang ngitian pa ako nito.

"Grabe!" gulat na saad no'ng isa. "Ilang araw palang kayong nagkakasama, ang bilis n'yo naman ma-develop. Hanga na ako sayo Arch. Drickson, paano mo napaamo ng gano'n kabilis itong wild animal namin."

Natawa ako ng mahina nang asar na hinampas ito ni Eury ng hawak niyang nakabilot na blue print.

"Actually, I've known her for a long time. She's my long lost home. And now that I already found her, sa tingin ko ay sapat na ang limang taon na nasayang, para muli siyang pakawalan." Naghiyawan ang mga nakarinig noon.

Nakita ko kung paano malukot ang mukha ni Gelo. Siguro naman ay tatantanan na niya ang girlfriend ko. Hindi na ako papayag pang lapitan n'ya si Eury, at tawaging babe sa nakakairita niyang boses.

"Kaya naman pala. Reserve naman pala kaya kahit anong landi ng iba riyan..." diniinan nito 'yong pagkakasabi ng iba. "Hindi bumibigay."

"Tama na nga iyan. Bumalik na kayo sa trabaho niyo." Kakamot-kamot sa ulong nagsi-balikan ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa. Bumaling naman ito sa akin. "At ikaw, bitaw na."

"Paano kung ayaw ko," saad ko na iniyakap pa ang isang kamay sa kanyang bewang. Magkaharap na kami ngayon.

"Uyyy!" Nasisiyahang mas nilapit ko pa ang mukha sa kanya.

"You should lessen your magnificent beauty when we're outside of our room, I don't want anyone else behold it other than me." Siningit ko ang ilang hibla ng kanyang buhok sa kanyang tenga, natatakpan kasi noon ang kagandahan niya.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon