Eury Pov
Walang patid sa pag-agos ang aking luha. Mula nang dalhin namin siya rito sa hospital, hanggang sa dumating kami rito at ipasok siya sa operating room. Di pa rin lumalabas ang doctor na nag o-opera sa kanya, mahigit dalawang oras na ang lumilipas.
Pareho kami ni Archer na tahimik na umiiyak. Nakasandal sa pader sa labas ng operating room.
"Eury, Archer!" Bumaling kami sa babaeng tumawag sa amin.
"Jaz..." Sinalubong ito ni Archer. Agad naman siya nitong niyakap at inalo.
"It's okay, magiging okay din siya."
"N-Nando'n ako, p-pero wala akong nagawa," umiiyak na saad nito
"Walang may gusto ng nangyari, Archer." Nadako ang tingin niya sa akin. Inilayo niya muna ito sa sarili, at nilapitan ako. "Are you okay?"
"D-Dapat ako ang nando'n eh. H-Hindi sana nangyari ito kung hindi dahil sa akin. Puro problema at sakit lang ang dulot ko sa kanya." Mas napahagulgol ako ng iyak.
"It's not your fault, Eury. Mas masasaktan siya kung ikaw ang napahamak. Malakas si Moon, kaya niya iyon." Hinagod niya ang aking likod, kinabig ko siya at mahigpit na yumakap. Hinayaan naman niya akong umiyak sa balikat niya.
Kapag may nangyaring masama sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Kuya!"
Bumitaw ako sa pagkaka-yakap kay Jazmine, nang makita si Arby na humahangos kasama si Sela.
"Bunso..." agad itong sinalubong ni Archer ng yakap. Kita ko kung paano humigpit ang kapit nito sa damit ng kapatid.
"S-Sabihin mo sa akin na okay lang s'ya...okay lang si ate Moon, hindi ba?" humahagulgol na saad nito. "Kuya!"
"Ssshhh, magiging okay s'ya," sagot sa kanya ng kapatid.
Humiwalay na ito sa pagkaka-yapak sa kuya niya, roon niya ako napansin. Binuka ko ang aking dalawang braso, agad naman siyang sumugod at pinulupot ang braso sa akin.
"I'm sorry, Arby," bulong ko.
"No, wala kang kasalanan."
Nasa gano'n pa rin kaming posisyon nang lumabas ang doctor. Lahat kami ay lumapit sa kanya.
"Kamusta na ang kapatid ko?" tanong ni Archer dito.
"Tagumpay ang operasyon, wala na kayong dapat ipag-alala," balita sa amin ng doctor. Nakahinga naman kami ng maluwag roon.
"Sabi sa inyo eh, kaya iyon ni Moon," masayang wika ni Jazmine. "Masamang damo iyon eh."
Namimiss ko na s'ya agad. Gusto ko na ulit makulong sa bisig niya. Mas lalo ko lang na-realize kung gaano ko siya kamahal.
"Eury, umuwi ka na muna. Baka nag aalala na sa iyo ang pamilya mo," baling sa akin ni Archer. Tumigil na ito sa pag-iyak.
"Hindi, iintayin ko siyang gumising. Nagtext na ako kay nanay, na hindi ako makakauwi." Tumango lamang ito, marahil naisip niya na hindi na niya ako mapipigilan.
Dapat makita niya ako sa pag-gising niya. Susuntukin ko talaga s'ya sa mismong sugat niya.
"Pero puro dugo ka, ate Eury," saad ni Arby.
"Bibili nalang muna ako ng makakain ninyo at pampalit mo, Eury. After no'n ay uuwi muna ako, baka kasi magtaka si dad. Arby, bawal itong malaman ni dad huh," pagpa-paalala nito sa kapatid.
Tumango naman si Arby, kaya naglakad na ito paalis.
"Ayts, kung ako sa gang na iyon, magtago na sila. Iyon ay kung makakapag-tago pa sila," wika ni Jazmine.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.