Bumaba ako mula sa aking sasakyan. Tinungo ang lumang bahay na nag-iisang nakatayo rito sa parang. Malayo na ito sa City, para in case na sumigaw sila sa sakit ay walang makakarinig. Maaga akong umalis ng unit, nag iwan nalang ako ng note kay Eury, in case hanapin niya ako, o matagalan ako.
Kumatok ako sa kahoy na pintuan. Hindi nagtagal ay bumukas iyon, tumambad sa akin ang lalaking may matipunong pangangatawan.
"Asan sila?" tanong ko pagkapasok. Sinenyasan niya ako na na sumunod. Bumaba kami sa isang hagdan papuntang basement.
Napangisi ako nang makita ang lima na naka-salampak sa sahig. Kung noon ay maaangas ang kanilang itsura, ngayon ay tila mga basang sisiw na umuusal ng pagmamakaawa.
"Long time no see," wika ko nang alisin ang taklob ng kanilang mga mukha.
"D-Drickson?!" gulat na gulat na saad ng lider nila na mayabang. Bumaba ang tingin nito sa aking paa.
Mahigit isang buwan na 'yong ginawa nilang pambubugbog sa amin ni Eury. Ngayon ko lang sila binalikan dahil gusto kong namnamin muna nila ang mga araw na makakapagsaya sila. Hindi ko naman sila papatayin, bibigyan ko lang ng remembrance.
"Ako nga, gulat ka? Mas matigas pa itong buto ko sa mukha mo, idiot. Kung ako sa inyo ay nagtago na ako doon sa lugar na hindi ko kayo makikita. Binigyan na kayo ng pagkakataon makatakas, sinayang n'yo pa," naiiling na sabi ko pa.
"Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mo sa kapatid ko?!" singhal niya sa akin.
"Kung gano'n, dapat ako lang 'yong binalikan mo. Hindi mo dapat dinamay ang girlfriend ko. Hindi kita babalikan kung hindi mo siya pinakialaman." Pinalagutok ko ang leeg, saka ang mga daliri sa kamao. "Dinukot mo na nga, sinaktan mo pa. Maswerte ka, ako ang nakasalo ng bala mo. Dahil kung hindi, no'ng mismong oras na 'yon, pinatigil ko na ang paghinga mo," lintanya ko habang abala sa pagsusuot ng gloves.
Sabay-sabay silang napaurong nang humakbang ako palapit sa kanila. Matapang lang sila pag may hawak na baril, nakakatawang no'ng kami ang nasa sitwasyon nila, daig pa nila ang demonyo sa pagtawa. Hawak ko sa isang kamay ang syringe na naglalaman ng succinylcholine, isang drugs na makakapag-paralisa sa katawan mo, sa oras na maiturok ito sa'yo.
"Sandali lang ito, hindi gaanong masakit." Inapakan ko ang paa ng isa. Sumigaw ito sa sobrang diin noon.
Walang anu-anong sinaksak ko ang syringe sa kanyang hita, hindi ito magkamayaw sa paghiyaw. Kumuha pa ako ng isa, nangangatal na ang apat habang nakatingin sa akin.
"D-Demonyo ka, Dickson!" nanggagalaiting sigaw naman no'ng lider nila.
Humalakhak lang ako habang aliw na aliw na pinagmamasdan sila.
"What do you think you are? We're just both fiend, trying to hide in the dusk. Ang pinagkaiba lang natin. Ikaw, sadyang demonyo. Ako, nagiging demonyo lang dahil sa kagaya mo," gigil na dinakot ko ang kuwelyo niyo.
Sinalya ko siya sa kahoy na dingding sa likuran niya. Ngumsii ako bago isaksak sa kanyang leeg ang syringe na hawak ko. Halos maglabasan ang litid doon sa lakas ng sigaw niya.
"Ssshh it's okay." Tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi, saka binitawan siya pabagsak sa sahig.
Gano'n din ang ginawa ko sa tatlo pa. Walang patid ang mga sigaw nila na nakakarindi sa tenga.
"Akala n'yo ba, hindi ko alam na kayo rin ang dahilan kung bakit ako na-aksidente noon. Kulang pa 'yan sa mga ginawa ninyo." Kahit hindi sinabi sa akin ni dad ang totoong dahilan ng aksidente, alam kong sila ang may gawa noon.
Dinampot ko ang baril na nakapatong sa lamesa. Kinasa at tinutok sa hita niya. Walang kagatol-gatol na ipinutok ko iyon, hindi siya makagalaw dahil umepekto na ang tinurok kong drugs, ngunit kitang-kita ko sa mukha niya ang sakit na nararamdaman. Dapat lang 'yan sa kanya. Pinagpuputukan ko ang mga hita nila. Iyon ang markang iiwan ko sa bawat isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.