Eury Pov
Bagot na hinihintay ko ang pagbukas ng elevator. Mahuhuli na ako sa klase ano ba 'yan. Hinatid ko kasi ang baon ni nanay dito sa hotel na pinagta-trabahuhan niya, naiwan na naman n'ya kasi. Kung hindi ko ihahatid, ay malamang hindi na naman iyon kakain.
Umangat ang aking tingin, nang sa wakas ay bumukas na rin ang elevator. Tumambad sa akin ang walang emosyong mukha ng lesbian na nasa loob noon. Humakbang ako papasok.
Kilala ko s'ya, sino bang hindi, eh lahat ng estudyante takot sa kanya. Nakakatakot naman talaga 'yong paraan ng pag-tingin niya. Walang kabuhay-buhay ang mga mata niya, hindi ko pa nga s'ya naririnig mag-salita. Magkapatid sila ni Archer, pero ibang-iba siya rito.
"Tunaw na ata ako eh," saad ko nang mapansin ang pagtitig niya sa akin. Nag-iwas naman ito kaagad ng tingin, bago tumikhim.
Sakto naman na bumukas ang elevator, nagmamadali itong lumabas roon. Ako naman ay hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi.
Dito ako dumaan sa ground floor, dahil panigurado mamatahin na naman ako ng makakasalubong kong empleyado ng hotel na ito, kadalasan ay tinitingnan nila ako mula ulo hanggang paa. Dahil ba sa kupas ang damit ko at sapatos ko?
Wala pa akong sapat na tulog dahil sa trabaho ko sa convenience store kagabi, tapos kaninang umaga ay tinulungan ko si nanay sa pagtitinda ng kakanin sa palengke. Siguro ay apat na oras lamang kadalasang tulog ko, wala eh, pinganak akong mahirap, pero ayos lang. Nabubuhay ko naman ang mga kapatid ko sa marangal na trabaho. Kung buhay lang si tatay paniguradong hindi iyon papayag.
Kumukuha rin ako ng raket sa university. Ginagawa ko 'yong project ng mga tamad na estudyante.
"Uyy Eury, kamusta ang raket natin ngayon?" Ito na naman sila, palagi nalang nila akong ini-istorbo.
"Tigilan mo nga ako, Jonas," bagot na sagot ko rito.
Mayayaman naman sila, pero bakit ako pa ang hinihingian nila ng pera, at hindi ang mga magulang nila.
"Baka pwede namang, maka-bahagi," singit ni Ricky.
Mga lintik na ito, criminology pa naman ang kurso, alam na pag naging pulis, kutong is life.
"Tigilan ninyo nga ako!" Akmang lalagpas na ako sa kanila ng harangan nila ako. Ano ba 'yan, mali-late na ako sa trabaho ko eh.
"Ibigay mo na kasi pang kain lang namin," sabi naman ni Leo.
"Ang kapal n'yo! Ano ako nanay n'yo?!" Pilit kong iniiwas ang bag sa kanila.
"Gusto mo talagang masakatan?!" Aba ako pa talaga ang hinamon.
"Sige subukan n'yo" hamon ko rito.
Pinorma niya ang kamao na susuntukin ako, pero agad ko siyang sinipa sa kanyang itlog. Akala niya huh. Susugurin sana ako ng dalawa pa nitong kasama nang may malamig na tinig ang nagsalita.
"Tigilan n'yo s'ya."
Agad namang umatras ang tatlo, nanlalaki ang mga matang napapalunok ng sariling laway. Hila-hila ang lalaking sinipa ko sa itlog, ay mabilis silang umalis.
"Ano tatakbo nalang kayo?! Ayaw n'yo bang basagin ko rin mga itlog ninyo?!" sigaw ko sa mga ito.
Lumingon ako sa gawi ni Moon. Naka-pamulsa ang isa nitong kamay sa kanyang pants, ang isa naman ay nakahawak sa strap ng kanyang bag. Hinahangin ang itim at bagsak niyang buhok, dahilan upang makita ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Kahit may suot siyang makapal na salamin ay ramdam ko pa rin, ang lamig sa kanyang titig.
Ilang segundo kaming nakaharap sa isa't-isa at magkatitig, habang sa likuran ko ay nagpapaalam ang araw, ang mga puno'y sumasabay sa pagpayad ng hangin.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
Roman d'amourAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.