Chapter 25

34 2 0
                                    

Naiinis ako sa mga lintik na imbestigador na ito, di pa rin mahanap ang pinapahanap ko. Mula nang makabalik ako rito ay nagsimula na akong ipahanap iyon, pero wala pa ring progress.

"Okay ka lang?" tanong ng isang tinig mula sa aking likuran.

"Hmm yeah," sagot ko.

"Lately napapansin ko na marami kang iniisip," saad pa nito.

"Natatakot ako para kay Eury, Jaz." Humugot ako nang malalim na buntong hininga.

"Ano ka ba naman, Moon. Sa pagkakaalam ko ay mabuting tao naman si tito."

"Pero hindi s'ya mabuting ama. Nakita mo kung paano niya tayo sinirang tatlo ni Archer. Paano kung saktan niya rin si Eury? Paano kung madamay s'ya sa issue ko kay dad? Hindi ko kakayaning makitang nahihirapan s'ya," frustrated na saad ko.

Kahit lumipat na ako sa aking unit ay hindi ko maiwasang hindi mag-isip. Pakiramdam ko sa bawat galaw namin ay nakabantay si dad. Paano kung kumikilos na s'ya ng hindi ko alam?

"Mali 'yong paraan ni tito noon, pero maniwala ka, gusto ka rin niyang protektahan." Pwede ko nga bang pagkatiwalaan si dad?

"Ano bang pinag-uusapan ninyong dalawa?" Lumapit sa amin si Archer na kakarating lang.

"Wala, itong kapatid mo napa-paranoid," Naiiling na sagot ni Jazmine.

"Moon, wag mo nang intindihin si dad. Wala naman siyang ginagawang kahina-hinala. No'ng nalaman niyang bumalik ka na sa unit mo, ay wala naman siyang ibang sinabi." Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin iyon ni Archer, wala nga dapat akong ipag-alala.

"See?"

Nag-usap pa kami ng kung anu-ano. Madalas ay kalokohan lang. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwalang okay na kaming tatlo. Madali na ang lahat para sa akin ngayon.

"Moon!" Pare-pareho kaming napalingon sa pintuan nang may tumawag sa akin.

"Bakit?" tanong ko sa estudyanteng hingal na hingal.

"S-Si Eury, m-may kumuha sa kanya."

Napatayo ako nang marinig ang sinabi niya. "Sino?!"

"Malalaman mo rin daw kung sino sila. Kung ayaw mo raw mapahamak ang girlfriend mo, pumunta ka sa sasabihin nilang location," mahabang paliwanag nito.

"Fuck!" Naisuntok ko nalang ang kamao sa desk.

"Tatawagan ka raw nila, at dapat ikaw lang mag-isa," dugtong pa nito.

"Fuck them all! Huwag lang nilang sasaktan ni dulo ng daliri ni Eury." Kinuyom ko ang aking kamao. Babasagin ko talaga ang mukha ng kung sino mang hayop na 'yon.

"Moon saglit!" Pigil sa akin ng dalawa.

"Kaya ko 'to, hindi ko pwedeng ipahamak si Eury."

"Pero..."

"Alam mo na ang gagawin, Archer." Hindi naman na ito tumutol.

Walang emosyong diretso lamang ang aking lakad. Lahat ng madaraanan ko ay natataka. Malapit na ako sa entrance nang tumunog ang aking phone.

*Fuck you! Hintayin mo ako at babasagin ko ang mukha mo* narinig ko ang malakas na pagtawa sa kabilang linya.

Nakakarindi ang boses n'ya, ang sarap basagin ng bibig para hindi na makatawa.

*Kung isa kang demonyo, maghintay ka dahil parating na ang Panginoon mo* saad ko, saka pinatay ang tawag.

Pagdating sa gate ng university ay may nakaparadang itim na SUV roon. May dalawang lalaki ang nakatayo sa gilid. Mga naka-ngisi sa akin. Tingnan ko lang kung makangisi pa kayo mamaya.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon