Chapter 34

38 5 0
                                    

Dinama ko ang simoy ng pang-gabing hangin na humahalik sa aking pisngi. Bahagya pang tumaas ang mga balahibo sa aking katawan, dahil sa lamig nito. Minulat ko ang dalawang mata upang salubungin ang nanghahamong lungkot ng gabi.

Bumaling ang aking tingin sa phone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa rito sa balcony ng aking kwarto. Isang tawag lang naman, hindi ba pwede 'yon? Gusto ko lang namang marinig 'yong boses niya, kahit limang segundo lang. Iniangat ko ang mga kamay, ngunit napabalik din sa pagkakapatong sa aking hita. Mas lalo ko lang siyang pahihirapan, wag nalang.

Muli kong tinaas ang aking kamay, dahan-dahang dinampot ang cellphone. Pumunta ako sa gallery noon. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang muling makita ang mukha niya. Ngiting-ngiti siya sa camera, habang ako ay natutulog pa rin sa tabi niya. Meron ding nakatalikod ako, at abala sa pagluluto, s'ya naman ay naka wacky. Tiningnan ko lahat ng mga litrato niya. Mula sa pinakanghuli hanggang sa pinaka-una.

Naalala ko na may ni-record nga pala siya rito noon. Sabi njya io-open ko lang 'yon pag pareho na kaming busy sa work namin, at wala ng time sa isa't-isa. Kapag namimiss ko na siya. Pinindot ko iyon.

*Miss mo ako? Hahahaha don't worry pauwi na ako sayo. Hahahahaha para akong tanga. Hoy Sinag ng Buwan, wag kang tatawa huh. Sana sa oras na mapakinggan mo 'to, ay tayo pa ring dalawa. I love you, Moonlight Drickson. You're my favorite villain mooning around when the nightfall.*

"God!" daing ko nang maramdaman ang matinding kirot sa aking dibdib. Ang mga palad ay nakatakip sa aking bibig.

Hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak. I badly miss her. No'ng nakita ko siya noong nakaraan.ay gusto ko siyang kabigin, at ikulong sa aking bisig. Ipahinga ang aking baba sa kanyang balikat, habang yakap siya ng aking braso kanyang bewang. Gusto kong singhutin 'yong flowery scent na amoy niya, magsumiksik sa kanyang leeg.

"I know it hurts." Agad kong pinahid ang aking luha nang marinig ang boses ni Archer. "You don't need to hide it."

Naglakad ito papunta sa terrace. Sinandal ang likod doon at humalukipkip.

"I have no choice, but to endure this pain," sagot ko na bahagya pang sumisinghot.

"If only I could help you, but our movements is too guarded by dad."

Nakakainis talaga s'ya. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, pababagsakin ko siya.

"It's okay. Malapit naman na tayong gumraduate," sagot ko. Ilang buwan nalang at matatapos na kami.

Kung inaakala ng magaling kong ama na sa kaniya akong kompanya magta-trabaho, nagkakamali s'ya. Kukunin ko rin lahat ng pinaka-mahalaga sa kanya. Kapag napabagsak ko na s'ya, panonoorin ko rin siyang nakaluhod, habang nagmamakaawa sa akin.

"Moon..." tawag niya, ngunit hindi sa akin nakatingin. Sa kalangitan kung saan nahihimlay ang mga bituin.

"Hmmm?"

"I'm sorry,"

"Sabi ko ayos lang..."

"Hindi roon. I'm sorry, kasi sinira namin 'yong pamilya mo. If we didn't come into the picture, maybe your mom would still be alive. I'm really sorry."

Bumuka ang aking bibig, subalit walang salita ang lumabas roon. May punto naman siya, baka kung buhay pa si mommy, hindi ko mararanasan ang lahat ng ito.

"But it already happened, she was now one of the stars in the sky. Just always think beyond," saad ko.

"But I have this feeling that I need to say sorry," muling turan niya.

Hindi ko maaninag ang mukha niya. Hindi kasi sapat ang liwanag ng buwan para matanglawan iyon, dahil kalahati lang ito.

"It doesn't matter. Alam kong masaya na siya roon. Matagal ko siyang pinahirapan eh, kailan ko lang din kasi siya pinakawalan." Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya sa kanyang balikat.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon