Chapter 17

43 6 0
                                    

Moon Pov

Kasalukuyan kong ginagamot ang mga sugat ni Eury sa braso. Meron namang nurse rito sa clinic, ngunit mas gusto kong ako ang gumawa noon.

"Ate!"

Pareho kaming napukaw nang biglang paglagapak ng pintuan. Niluwa noon ang aking kapatid na may pag-aalala sa mukha.

"Ate Eury are you okay? Who did this to you?" sunod-sunod na tanong nito habang umuupo sa gilid ng bed.

"Ayos lang ako, Arby." Binigyan n'ya ng ngiti ito.

"God..." Naluluhang bumaling s'ya sa akin. Biglang sumama ang timpla ng mukha nito.

"What?" taas kilay na tanong ko sa kanya.

"Akala ko ba ikaw ang nambugbog, eh bakit puro sugat 'yang mukha mo?"

"May humarang sa akin kanina roon sa hallway. Siguro part of their plan, para di ko agad mapuntahan si Eury. Ayon pinagtulungan ako ng mga gago," sagot ko.

Bumaling ang atensyon ko sa kasama n'yang magpunta rito sa clinic. Nakasandal lang s'ya sa pintuan at nakamasid sa amin. Nang magtama ang mata namin ay nagyuko ito ng ulo.

Nakita ko s'ya kanina na inaawat ang mga nanakit kay Eury. Wala s'yang magawa dahil na rin sa hawak s'ya ng dalawang lalaki.

"S'ya 'yong nagsabi sa 'kin ng nangyari," agad na wika ng aking kapatid nang mapansin na nakatingin ako kay Selastin.

"Thank you," usal ko na nanatiling nakatingin sa kanya.

Gumuhit ang gulat sa kanyang mga mata. Marahil hindi n'ya inaasahan ang sinabi ko.

"F-For what?"

Lihim akong natawa nang mahalata ang takot sa boses n'ya. Sabagay, sino bang hindi? Kilalang masamang tao ang kapatid ng nililigawan n'ya rito sa university.

"I know you did your best to stop them."

Nilapag ko ang medicine kit sa ibabaw ng side table saka tumayo. Inilahad ko ang aking kamay sa kanyang harapan. Nakatitig lamang s'ya roon no'ng una, ngunit kinuha rin.

"Pumapayag na ako na ligawan mo 'yong kapatid ko, kahit hindi ka nagpapaalam," saad ko.

Namutla ang mukha n'ya na tila nasukol sa kanyang kasalanan.

"Sorry, hindi ko kasi alam kung paano ka kakausapin. And no one can actually talk to you," pag-amin n'ya.

"You know, if you're really serious about courting a girl, you won't be scared to face anyone. But it's okay, I understand." Binitawan ko na ang kanyang kamay saka tinapik s'ya sa likod.

"I'm sorry, but I really love your sister. Hindi pa naman huli para ipakita iyon diba?" saad nito. Tinitigan ko s'yang mabuti, tinatantsa kung totoo ba ang sinasabi n'ya.

"For me, ayos lang na ligawan mo s'ya." Biglang kuminang ang mga mata niya nang sabihin ko iyon.

"Talaga?!" sabay na wika nilang dalawa ni Arby.

"Uhm, but there are three more person you should talk to, in order to court her. And I can't help you with them," dugtong ko.

Bumaling ako sa kapatid ko na ngiting-ngiti. Alam ko namang gustong-gusto n'ya ang babaeng ito, at sino ako para hindi s'ya supportahan, kung s'ya ay laging nand'yan para sa 'kin. Gusto ko lang namang masiguro na di s'ya masasaktan.

"It's okay and thank you," nahihiyang ani niya.

"Come here ate, I'll clean your wound," wika ni Arby.

Nakalimutan ko na may mga sugat nga pala ako. Hindi naman kasi sumasakit, sanay na siguro.

"No need," agarang sagot ko.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon