Kanina pa ako naka-titig sa aking laptop. Pinapa-ikot-ikot ko lamang ang mouse noon. Ilang araw na akong ganito at hindi ko alam kung bakit. May kung anong gumugulo sa isip ko na hindi ko ma-point out kung ano.
Sa sobrang inis ay sinabunutan ko ang aking sarili. Hindi ko matapos-tapos ang thesis ko dahil sa lintik na utak na 'to. Hindi na rin ako lumalabas ng bahay o gumigimik tuwing gabi. Pag-uwi ay magkukulong lang ako rito sa kwarto at tutulala sa kesame.
Nabaling ang atensyon ko sa pintuan ng may kumatok doon. Maya-maya ay sumungaw ang ulo ni Arby.
"Are you busy?" nag-aalangan ang boses nito.
"Hmm no, why?"
Tila kidlat na mabilis itong pumasok sa aking kwarto. Namalayan ko nalang na naka-upo na ito sa kama ko.
"Help me. I can't answer this." Lahad n'ya sa kanyang notebook sa harapan ko.
Kinuha ko iyon. Sinimulan ko iyong sagutan, wala pang sampung minuto ay tapos ko na iyon. Pumilas ako ng isang pirasong papel sa likod ng notebook n'ya. Isinulat ko roon ang explanation kung paano nakuha ang sagot, para kapag tinanong s'ya ng prof n'ya ay may maisa-sagot s'ya
"Kamusta kayo ni Ate Eury?" Nahinto sa ere ang ballpen at kamay ko sa tanong n'ya.
"Wala namang kami, Arby."
"Sus, lately nag iiba ang kilos mo. Kung dati parati kang wala rito sa bahay ngayon halos di ka na lumalabas. H'wag kang mag-alala, boto ako sa kanya." Tinusok ko ng ballpen ang noo n'ya. Kung anu-anong nalalaman eh.
"Hindi kami, okay? Alam mo naman kung anong katangian ang hinahanap ko sa isang babae, at ni-isa ay wala sya no'n." Iniikot n'ya ang kinauupuan kong swivel chair paharap sa kanya.
"Ate yung sinasabi mong katangian ay para lang sa mga babaeng gusto mong ikama. Wala no'n si ate Eury dahil hindi naman gano'n 'yong tingin mo sa kanya. Iba s'ya at 'yon ang totoong hinahanap mo sa isang babae, 'yong kakaiba." Inirapan pa ako nito na parang sinasabi na mali ako, marunong pa sa'kin.
"Hindi ko s'ya gusto. Wala namang kakaiba sa kanya. Madaldal, palaaway at isa pa, pangkaraniwan lang 'yong mukha n'ya," tanggi ko pa rin. Totoo naman kasi, never akong magkakagusto sa babaeng iyon.
"Pwede kang mag sinungaling sa sarili mo pero sakin hindi." Pinisil ko ang ilong n'ya nang ipagpilitan n'ya pa rin na may gusto ako kay Eury. "Tuwing natutulala ka at kagat-kagat mo 'yang daliri mo, s'ya ang nasa isip mo. Tuwing nakaharap ka sa laptop mo at parang tangang sinasabunutan ang sarili, s'ya 'yong nasa isip mo. Sa tuwing nasa garden ka at lalanghapin 'yong amoy ng mga bulaklak tas biglang ngingiti, s'ya 'yong nasa isip mo."
"Hoy! ang galing mo rin mag conclude no. Masyado kang nagpapaniwala riyan sa mga binabasa at pinapanood mo."
Ang hilig-hilig n'ya kasing manood ng mga love story kaya 'yong takbo ng utak parang director na rin.
"Pareho lang kayo ni kuya. Nung una tinatanggi n'ya rin na gusto n'ya si ate Eury. Pe--" Gulat na na-itakip n'ya ang kamay sa kanyang bibig. Pinukpok ko sa ulo n"ya 'yong notebook n'ya na binilot ko.
"Wag kang oa, alam ko na 'yong tungkol sa kanila." Nakahinga naman ito ng maluwag nang sabihin ko iyon. "How they met?"
"Noon kasing hindi pa kami pinakikilala ni dad sa'yo bilang family n'ya, lagi kami ni kuyang sinasama ni dad sa hotel nila ate Jaz. Then one time nakita namin si ate Eury doon, kasi 'yong mother n'ya roon nag wo-work." Saglit itong tumigil na parang may naalala. "Nakakatawa nga 'yong reaksyon no'n ni kuya, titig na titig s'ya kay ate Eury. Then ayon laging nag vo-volunteer si kuya na sumama kay dad. Namalayan ko nalang na nililigawan n'ya ito."
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.