Chapter 14

37 6 0
                                    

"Ano ba, Harold?! Kanina pa ako nahihilo sa'yo eh," sita ni Harry sa kambal. Kanina pa kasi ito palakad-lakad sa aming harapan.

Nandito ako sa kanilang bahay. Ito na ata ang  naging tambayan ko sa tuwing walang pasok. Tanghali at nasa trabaho si tita.

"Ano bang problema, Harold?" 'di na ako naka-tiis at tinanong na s'ya.

"Eh kasi, ate Moon, ako kasi ang sinali no'ng mga classmates ko na Mr. Intramural. Namo-mroblema ako kung anong talent ang gagawin ko," kagat-kagat ang daliring sagot nito.

"Marunong ka bang tumugtog ng gitara?" muling tanong ko.

"Oo maalam s'ya, ate. Kaya lang 'yong boses n'ya parang palaka na kumukokak pag umuulan," sabat ni Henry na ikatawa namin ni Harry. Pero pinigil ko rin dahil sumimangot si Harold.

"Parang s'ya maalam," wika nito sa kapatid.

"Kunin mo 'yong gitara mo dali," utos ko rito.

"Wala akong gitara, ate. Pero sa kapitbahay meron. Wait, hihiram lang ako," saad n'ya bago nagtata-takbo palabas.

"Seriously? Paano s'ya natutong mag gitara kung wala kayo no'n?" takang tanong ko sa dalawa.

"Ate, dito...gamit ng isa, gamit ng lahat. Natuto kaming tumugtog dahil sa gitara ng kapitbahay," sagot naman ni Harry.

Paano sila makakapag-focus sa isang bagay, kung di lang sila ang gumagamit noon? Kung ako nga, pumsok pa sa guitar lesson para lang matuto. Gano'n siguro ang kaibahan ng naibibigay sa'yo ang lahat at hindi.

Ikaw na naibibigay ang lahat, kailangan kumpleto sa kaalaman or kagamitan para matuto. At silang hindi, pag tya-tyagaan kung ano lang ang meron. Mag pu-pursige kahit limitado lang 'yong kaalaman at kagamitan. Kasi gano'n naman talaga, pag nasayo na lahat, di mo need madiliin 'yong sarili mo, kasi nandyan lang 'yan. Pero pag nakiki-hiram lang, susulitin 'yong bawat oras na hahayaan sila mahawakan ang bagay na hindi nila pag aari, kasi 'yon lang 'yong chance na meron sila.

"Ito na, ate!" masiglang inabot sakin ni Harold ang gitara.

Luma na s'ya ngunit halatang inaalagaan. Ordinaryong gitara lang s'ya na mabibili sa daan. Pero sa gitarang ito, maraming natuto. Ang galing din ng may-ari nito, eh ako nga ni hindi ko pinaha-hawakan sa iba 'yong gitara ko.

Naalala ko tuloy 'yong binasag-basag kong gitara ni Jazmine. Ngayon lang ako nakaramdam ng guilt. Knowing her, di lang 'yon basta-bastang gitara, for sure libo ang presyo no'n. Ang iba pa nga n'yang gitara ay may signature pa ni Taylor Swift at ng kung sino-sino pang ini-idolo n'ya. Sana lang ay hindi isa roon 'yong binasag ko.

Pinatong ko ang gitara sa aking hita. Pinasadahan ng daliri ang string noon.

"Hindi naman need na magaling kang kumanta. Di ka naman sasali sa singing contest. Sabayan mo lang 'yong tunog ng gitara, damhin 'yong kanta. Isipin mo, nasa harapan mo 'yong babaeng gustong-gusto mo. Dapat ramdam ng mga nakikinig sa'yo 'yong message ng kanta. Gano'n lang," paliwanag ko sa kanya.

Hindi naman ako expert pagdating sa music. Hobby ko ang makinig nito pero madalang lang akong kumanta.

"Sample nga, ate," udyok sa akin ni Henry.

"Oo nga, ate Moon. Mahirap kasing ma-gets pag walang sample. Parang math problem," dugsong ni Harold.

"Sus kahit sandamakmak na sample ang ibigay sa'yo, di mo pa rin alam pano i-solve 'yong problem," asar naman ni Harry sa kambal. Kawawang Harold.

"Eh di ikaw na ang genius. Atleast ako hindi nerd," ganting asar nito sa kambal.

"Oh tama na 'yan, baka kung saan pa 'yan mapunta. Kakanta nalang ako," awat ko sa mga ito.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon