Chapter 33

32 5 0
                                    

Eury Pov

Paulit-ulit kong ginulo at inayos ang aking buhok. Kanina pa ako nandito sa park na nadaanan ko, pakiramdam ko wala akong pupuntahan. Ayoko munang umuwi, ando'n naman si nanay. Mas mararamdaman ko lang 'yong pangungulila sa kanya. Kailangan kong huminga.

Muling naglandas ang luha sa aking mata, pinahid ko iyon gamit ang likod ng aking palad. Alam ko namang hindi niya ginusto 'to. Kaya lang, hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Iyong araw-araw na haharapin kong hindi s'ya kasama, ay napakasakit na. Nasanay na ako...sinanay niya ako na paggising ko ay sasalubungin niya ako ng mga ngiti niya, pauulanan ng halik sa mukha. Pano na?

Tinaas ko ang aking tingin upang pigilan ang luhang walang kasawa-sawang umagos. Sinalubong ako ng makakapal na ulap, mga mumunting bituin na unti-unti nang sumusulpot, kasama ng kalahating buwan.

"Alam kong gusto mong mapag-isa, pero gusto kong samahan ka," isang tinig ang pumukaw ng aking atensyon.

"Sela," usal ko sa pangalan niya.

Nakaupo siya sa tabi ng bench na inuukupa ko. May hawak na dalawang cup ng street foods. Iniabot niya sa akin ang isa, tinanggihan ko iyon, pero pinagpilitan niya.

"Kunin mo na, mas masarap magmukmok kapag may kinakain," natatawang saad niya.

Masasabing other version ni Moon si Selastine, madalang lang itong magsalita at ngumiti. Madalas walang emosyon ang mukha niya, sa tingin ko nga ay nagawa lang siyang baguhin ni Arby. Ang kaibahan lang nila ni Moon, hindi siya lumalaban sa tuwing may maririnig siyang hindi maganda tungkol sa kanya. Hahayaan na lamang niya iyon.

"Mahirap makisabay sa agos ng buhay ng mga Drickson," turan niya na ngayo'y nakatulala sa kawalan, habang ngumunguya.

Oo nga pala, pinahiya siya ng tatay nila Moon no'mg mismong party ni Arby.

"Ayos lang, kahit gaano pa kalalaking alon 'yomg dumating, kakapit at kakapit pa rin ako sa kanya. Pinangako ko sa kanya, na kahit anong mangyari hindi ako bababa sa takbo ng buhay niya," tugon ko na sinisimulan na ring kainin 'yong binigay niya.

Hindi ko iyon malasahan. Di ko alam kung sadya bang matabang o wala lang akong gana.

"Sabi niya ako na raw muna bahala sa iyo," sumungaw ang matipid niyang ngiti. "Kilala ko si Moon, hindi siya papayag na tuluyan kang mawala sa kanya."

"Alam ko. Gagawin ko ang lahat para maka-graduate, at kaya ko nang patunayan sa tatay niya na deserving ako para sa anak niya," sagot ko na desididong-desidido.

"Sana kasing taas din ng fighting spirit mo 'yong sakin," naiiling na saad niya.

"Sa mundong puno ng mapanghusgang tao, dapat lang na lakasan mo ang fighting spirit mo," tugon ko at muling sumubo ng fishball. "Kailangan ko ng umuwi, baka nag-aalala na ang pamilya ko sa akin."

Dinampot ko na ang mga gamit na nakalapag sa tabi ko. Tumayo na rin si Sela.

"Una na ako," paalam ko sa kanya.

"Take care, goodluck," sagot niya na kumakaway pa ang mga kamay.

******

Bawat araw na lilipas ay parang taon. Dalawang linggo palang pero pakiramdam ko taon na ang binibilang na hindi ko siya nakakasama.

Pero hindi ko hahayaang pati pag-aaral ko ay maaapektuhan. Nagmamadali akong tumatakbo sa field. May event na gaganapin ngayon, at isa ako sa mag o-organize noon.

"Aray!" hiyaw ko nang maramdaman ang matigas na bagay na tumama sa aking katawan.

Nakakainis naman! Agad kong pinulot ang mga sumabog na gamit ko.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon