Moon Pov
Tiningala ko ang mataas na gusali sa aking harapan. Napangiti na lamang ako nang makita ang pangalan noon.
"Goodmorning, I have appointment with Mr. Damaian. I am Arch. Drickson," wika ko sa babaeng nasa information desk. Ini-angat nito ang telepono.
Pagkababa nito ng telepono ay mabilis akong giniya ng guard sa elevator paakyat sa 12th floor.
Bawat makakasalubong kong employee ay napapalingon sa akin, tapos magbubulungan. Dire-diretso lang akong naglakad papunta sa office ni Mr. Damaian. Kumatok muna ako, nang marinig ang boses nito, pinihit ko na ang door knob.
"Arch. Drickson," bati sa akin ng matandang lalaki na panot na ang buhok. Malaki ang tiyan, at may pagka-pandak. Naisip ko tuloy kung ganito rin ba magiging itsura ko, pagdating ng araw.
"Mr. Damian," balik na bati ko rito, at tinaggap ang kanyang kamay na nakalahad.
"What's the purpose of sudden visit of a well-known young CEO of The Trio Construction company?" saad nito pagkaupo ko sa harapan niya.
"Well, I have a proposal," lantarang saad ko, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
"At ano naman iyon?"
"Simple lang, Mr. Damian. Hayaan mong magtrabaho ako rito sa kompanya mo." Bakas ang pagkalito sa kanyang mukha.
"Are you kidding me, Ms. Drickson?" natatawang tanong nito.
"No. Hindi ba't matagal mo ng gustong makuha ang Calderon's Real Estate Company? Kapag hinayaan mo akong magtrabaho rito, ibibigay ko sayo ang proyekto." Alam kong kakagat siya dahil malaking project iyon.
"Pano ko masisigurong hindi mo ako nililinlang?" paninigurado nito.
"Pipirma ako ng kasunduan kung gusto mo. Ako pa rin naman ang magiging architect, sayo lang ang mga enginners. And I want Eng. Diaz to handle this project."
Pinatong ko sa kanyang lamesa ang kontrata. Nag-aalinlangan na kinuha niya iyon.
"I'll think about this," sagot niya.
"Great. Hope that you won't disappoint me." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. "Thank you for you time, Mr. Damian."
Muli kong nilahad ang aking kamay sa harapan niya. Tumayo rin ito at inabot iyon. Tinungo ko na ang pintuan. Bubuksan ko na sana iyon nang may maalala.
"One more thing, Mr. Damian. Don't tell this to anyone else. And make sure that Eng. Diaz will accept this project." Pagkasabi noon ay nagpatuloy na ako sa paglabas.
Napangiti na lamang ako sa aking sarili. Limang taon din ang hinintay ko, at hindi ko na kayang maghintay pa ng isa taon, o buwan, bago muli siyang makasama.
Nang malaman kong dito siya nagtatrabaho ay agad akong umisip ng paraan kung paano makakapasok rito. Hanggang sa kontakin ako ni Selastine at sabihing gusto niyang ako ang humawak ng project na ipagagawa niya sa Tagaytay. Pumayag naman si Archer at Jazmine na ibigay ang malaking project na iyon kay Mr. Damian, kapalit ng hinihingi ko.
Si Archer at Jazmine ang katulong kong magpatakbo ng kompanya noon. Hindi ako nagtrabaho sa kompanya ni dad. Si Archer ang namahala noon hanggang sa maging magkaalyado kami. Ngunit after 1yr biglang nawala si Jazmine, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Maging ang pamilya niya ay walang idea. Tatlong taon na namin siyang hinahanap.
****
Kumakalabog ang aking dibdib habang nakaupo sa harapan ni Mr. Damian, may kausap ito sa telepeno. Nagpapawis ang aking noo at palad. Limang taon na, at ngayon ko lang siya ulit makakaharap.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
Lãng mạnAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.