Warning: R18
Eury Pov
Walang humpay ang aking pagngiti dahil sa pinapanood na palabas sa tv. Hollywood love story 'yon. Nakahiga ako sa sofa habang nakaunan sa hita ni Moon. May hawak itong isang bowl ng popcorn.
Napagkasunduan naming mag-movie marathon. Tutal ay wala naman kaming pasok ngayon. Ang kaninang mga ngiti ay napalitan ng mahihinang singhot.
"Hey, It's just a movie." Humugot ito ng tissue sa lalagyan at pinunasan ang aking pisngi.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kanyang hita. Naiiling na tiningnan niya ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Pano ba naman kasi, na-aksidente sila tapos paggising ng babae ay hindi na siya naaalala.
"Impossible naman iyon, hindi ba? Paano mo makakalimutan 'yong taong pumuno ng masasayang alaala sa utak mo. Tapos na-aksidente ka lang, paggising mo 'yong ex mo nang nanakit sayo ang naaalala mo," umiiyak na litanya ko.
"Yeah, it is. Even her mind forgot him, her heart wouldn't. Not because she lost her memories with him, she could kissed her ex in front of the guy. It was too painful for him," pagsang ayon niya sa aking sinabi. "Come here."
Tinapik niya ang tabi niya. Umusod naman ako palapit sa kanya at nagsumiksik sa kanyang katawan.
"Why some long time couple didn't end up together?" tanong ko na humuhupa na ang pag-iyak.
"Maybe because of their differences," kibit-balikat na sagot nila.
"Impossibleng sa tagal nila ay hindi pa nila napagkakasunduan ang kanilang pagkakaiba." Matatanggap ko pa kung sasabihin na dahil sa oras, o ibang bagay, pero ang pagkakaiba ay hindi katanggap-tanggap.
"It is possible, much more if they're not living in one roof. Even 5 years, 8 years or more, as long as hindi mo pa siya nakakasama sa isang bahay, hindi mo malalaman ang pagkakaiba ninyong dalawa. Hindi man sa kilos o pag-uugali, minsan ay dahil sa mga taong nakapalibot sa inyo."
"How could you say?" maang na tanong ko.
"Because I saw how Arby and Sela struggled because of that in differences." Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya.
"So it means..."
"Yeah," sagot nito hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin.
Kaya ba gano'n nalang kung umiwas si Sela sa usaping may kinalaman kay Arby.
"Nga pala, si Jazmine, kamusta siya?" tanong ko habang dumudukot ng pop corn.
"She's nowhere to be found. I don't know where she is. 3 years ago she suddenly vanished without even a trace." Literal na bumagsak ang aking panga sa narinig.
"Bakit, is it because of you know... her girlfriend?"
"Ex." Nanlaki ang aking mata. "I don't know. Jazmine always keeping her problems all by herself. She prefer to be alone than to share her grief and pain to others. She could give you sweet smile while screaming for help inside. I felt like I failed as her friend. She was always there when I needed, habang ako, ni hindi ko man lang napansin na may pinagdadaanan siya." Ngumiti siya ng mapait.
Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi. Pinagdikit ang mga noo naming dalawa.
"Hindi lang ikaw 'yong may kasalanan, ako rin. Tigilan mo ang paninisi mo sa sarili mo, okay? Hahanapin natin siya at hindi na ulit hahayaan pang mag-suffer mag-isa," saad ko.
Pinulupot niya ang braso sa aking bewang. Tinaniman ng halik ang aking buong mukha.
Pakiramdam ko ay bumalik kami sa dati. 'Yong maghapong maglalambingan sa sofa pagkatapos ng mahabang movie marathon. Maghaharutan na parang mga bata, habang sabay na tumatawa.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
Lãng mạnAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.