Panaka-naka akong tumatawa sa tuwing magagawi ang tingin ko, sa mga kapatid ni Eury. Naghahabulan ang mga ito sa parang, nanghuhuli ng mga tutubi.
Andito kami ngayon sa aming farm dito sa Batangas. Inaya kaming pumunta rito ni Archer, upang dito palipasin ang sembreak. Nagkataon kasi na si daddy at tita ay nasa New York. Kasama ko ang apat na kapatid ni Eury, si Cleo ay isinama ni tita, sa pagbisita sa kanilang probinsya. Mas gusto raw nitong apat na sumama sa amin.
"Tinatawa-tawa mo riyan?" Lumapit sa akin ang babaeng nakasuot ng loose white long sleeve shirt, na tinuck in sa unahan ng maong shorts na faded.
Inabutan niya ako ng isang buko na mag straw na nakatusok. Sumimsim ako roon. Ito ang masarap sa probinsya eh.
Tumingin din siya sa gawi ng mga kapatid niya. Nailing nalang ito nang makitang parang teenager ang tatlo. Masasabi kong maswerte si Eury at tita sa kanila. Ang mga ito kasi ay hindi katulad ng ibang kabataan, na puro bisyo ang inaatupag, at pakikipag relasyon. Kung ang iba ay makikita mo sa kalsada, sila ay sa loob ng kanilang bahay, nag-aaral o di kaya naman ay tumutulong sa gawaing bahay.
"Saan ka pupunta?" tanong ko nang naglakad ito paalis.
"Manghuhuli rin ng tutubi," sambit nito na tumakbo na papunta roon.
Nilapag ko ang hawak na buko sa damuhan, saka tumakbo na rin sa kinaroroonan nila. Napuno ng tawanan ang parang, nang madulas si Eury.
"Ate, tutubi hinuhuli natin, hindi palaka," pang-aasar pa ni Henry.
"Oo, akala ko kasi palaka ka, dadakmain ko sana," ganti naman dito ng kanyang ate.
"Mukha ka raw palaka, kuya," panunulsol ni Harold.
"Okay naman 'yong palaka, kesa kay ate na mukhang tutubi." Bago pa man makahakbang si Eury ay nakatakbo na ito.
Ayon imbes na tutubi ang huhulihin namin, sila ang naghulihan. Nagpagulong-gulong sa damuhan na parang mga bata.
"Ate Moon, thank you huh," biglang saad ni Harry.
"Walang anuman iyon," sagoy ko rito.
"Ibinalik mo 'yong saya sa kanya, times 10 pa 'yong binigay mong saya, pati sa amin," dugtong pa niya.
"Kayo rin naman eh, binalik ninyo 'yong dating ako, tinanggap ninyo ako. Hindi lang ako 'yong dapat pasalamatan, Harry, kayo rin. Thank you." Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang balikat.
"Walang anuman iyon. Pero alam ko ring ikaw ang tumulong kay Harold, para maitawid niya ang 3rd quarter na 90+ ang grado." Lumingon ako kay Harold na kasama si Jinggoy, nanghuhuli pa rin sila ng tutubi.
"S'ya rin naman ang naghirap noon, tinulungan ko lang. Matalino naman talaga si Harold, masyado lang niyang iniisip na hindi siya magaling," lintanya ko.
"Alam ko 'yon. Nagu-guilty nga ako kasi parati ko siyang inaasar, baka bumababa ang confidence niya dahil roon," bakas ang lungkot sa tinig niya.
"Naiintidihan iyon ni Harold. Hindi siya lumalapit sa'yo, dahil ayaw ka niyang maabala sa pag re-review mo sa mga quiz bee na sinasalihan mo. Pero hindi niya iniisip, na dina-down mo siya," paniniyak ko sa kanya.
"Hindi ka lang science at math tutor, pati pala ESP." Natatawang ginulo ko ang buhok niya.
Dinama ko ang sariwang hangin na pumapaypay sa amin. Alas syete palang ng umaga, kung sa Manila ay masakit na ang tama ng araw sa balat, dito ay bago palang sumisilay ang sikat ng haring araw. Panaka-naka palang lumalagpas ang liwanag noon, sa mga nagtataasang puno.
"Hey!" sigaw mula sa di kalayuan.
Kumakaway sa amin si Archer. Kasama niya si Arby, Sela at Jazmine. May kasama pa silang isang babae, marahil tauhan dito sa farm. Naglalakad sila papunta rito. Ang dalawang nagpapangbuno pa rin ay huminto na; gano'n din si Jinggoy at Harold.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
Roman d'amourAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.