'Double kill!'
'Request back-up!'
'You have been slain'
'Retreat!'
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa kung saan. Kairita, alam nang may natutulog dito eh. Ang sakit-sakit pa naman ng ulo ko. Sino ba kasi 'yong lintik na 'yon. Maglalaro lang kailangan naka-full volume pa ang cellphone, hindi nga lang ata naka full volume eh, naka connect pa ata sa speaker.
Labag man sa loob ko na bumangon ay wala akong nagawa. Sira na rin naman ang tulog ko.
Pikit pa ang mga mata na pumasok ako sa cr para maghilamos at mag toothbrush. Ni hindi na ako nag abalang tingnan ang sarili sa salamin. Kinapa-kapa ko ang towel tsaka nag punas.
Sunod-sunod na napamura na lamang ako nang matagpuan sa sala ang salarin ng pagkaka-gising ko. Lintik na, anong ginagawa ng babaeng ito rito.
"Hey!" tawag ko sa atensyon nito na tutok na tutok sa phone n'ya.
"Teka lang! Nakakainis naman itong mga hinayupak na ito eh. Napakabobobo, talo naaaaaa..uyyy galingan n'yo naman, anak ng lintik." Napanganga na lamang ako nang tila tangang inaaway nito 'yong kanyang phone.
"Di mo ba alam na natutulog ako?! kaya naman pala napaka-lakas ng sound dahil nandito ka lang sa loob na bwisit ka!" Duro ko rito kahit di n'ya ako nakikita.
"Nakakainis, talo tuloy. Nabawasan ako ng star, kunti nalang Legend na ako eh." Ito naman ay parang di ako naririnig kaya lumapit na ako rito at namewang sa harap n'ya.
"Huhuhuhu..." Nangingilid ang luhang tumingala ito sa akin.
Ako naman ay di maintindihan kung anong nangyayari sa kanya. May sayad ba s'ya?
"Pota hahahahahahahaha." Napaatras ako nang bigla na lamang itong tumawa na akala mo'y nakakatawa ang pag mumukha ko. Confirm may sayad nga.
"Gusto mo tumawag ako sa mental?"
Imbes na tumigil ito sa pag tawa ay mas lalo pa itong humalakhak. Nag sisimula na naman akong makaramdam ng inis.
"Ano bang tinatawa mo?!" naiiritang tanong ko.
"Eh kasi, eh kasi hahahahaha..nakakatawa..nakakatawa yung suot mo hahahahahahahahaha."
Mula sa kanya ay nalipat ang tingin ko sa reflection ko sa salamin na nasa sala at nakaharap pa sa akin. At do'n ko lang napag tanto kung bakit ito mamamatay sa kakatawa."Fuck."
Naka crap top akong damit at tanging boxer lang ang suot ko sa ibaba. What the fuck?
"Holy shit. B-bakit ito ang suot ko?!" nanglulumong tanong ko.
"Eh 'yan lang 'yong nakita ko sa drawer mo eh. Ayoko namang mag halungkat baka may mawala pa, ako sisihin mo," pangangatwiran n'ya na nag pipigil pa rin ng tawa.
"My ghad, sa mga babaeng dinadala ko rito itong damit na 'to. Sana di mo na lang ako binihisan." Ngumuso lang ito sa akin na akala mo ay bagay sa kanya iyon.
"Puro suka ka kaya, pati nga ako sinukahan mo." Sinuri ko ng tingin ang kanyang suot. "Pinahiram lang ako ni Jazmine ng damit."
Bago pa mag sink in sa utak ko ang sinabi n'ya ay lumabas na mula sa kitchen ang pigura ng isang babae na naka-suot ng apron. May hawak itong sandok. Nakasuot sa ulo n'ya ang headbun na may tenga ng kuneho na design. Naka-pulupot ang mahaba at blonde n'yang buhok. Nangingintab ang noo na natatamaan ng sinag ng araw, na nagmumula sa naka bukas na bintana, malamang dahil sa pawis. Naka-suot lamang ito ng over size na damit at ang kanyang pang bahay na tsinelas na rabbit din ang disenyo.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.