"Ang cute talaga nila tingnan, no. Sana all sweet. Ang swerte-swete talaga ni Jaz kay Archer."Pagkababa ko pa lamang ng motorbike ko ay 'yon agad ang narinig ko. Awtomatiko na umikot ang aking mata nang makita ang dalawa na magkasabay na naglalakad sa hallway. Habang ang mga estudyante naman ay hindi magkamayaw sa pagtili. Parang mga bubuyog na bulungan nang bulungan..nakakairita.
"Bagay na bagay talaga sa kanila yung title na campus sweetheart, 'no," rinig ko pang komento ng isang babae nang mapadaan ako.
"At bagay din kay Moon yung title n'ya bilang Villain dito sa Monarchy University." Huminto ako nang marinig iyon sa isang lalaki na sinundan pa n'ya nang pag-tawa.
"Baliw, narinig ka," wika ng babaeng kausap n'ya.
Nakita ko kung paano namutla ang mukha ng lalaking kani-kanina lang ay ang lakas ng loob na laitin ako. Humakbang ako palapit sa kanya. Agad naman nag-hawian ang mga estudyante. Naiwan s'yang nakatayo sa gitna.
"What did you say?" Hinablot ko ang kuwelyo nito.
Gusto kong matawa dahil kulang nalang ay maihi s'ya sa kanyang pantalon sa takot at panginginig ng kanyang katawan. Eh wala pa nga akong ginagawa.
"M..M-moon." Ngumisi ako nang mautal-utal ito sa pag-sasalita.
"If you think me as a villain then I think of you as my first victim of the day." Sinalya ko ito sa pader, kasunod nang pagdagan ng aking braso sa kanyang leeg.
"Now boy, beg for your life." Diniin ko pa sa leeg n'ya ang aking braso.
Namumula na ang buong mukha nito dahil sa pagkaka-sakal ko. Hirap na rin itong huminga.
"Stop it, let him go, Moon." Isang pwersa ang humila sa akin palayo sa mayabang na lalaki na 'yon.
Pinukol ko ng masamang tingin si Archer na s'yang umawat sa akin. Masyado talagang pakitang tao ang bwisit na 'to. Palibhasa attention seeker.
"Hindi pa tayo tapos. Sigurdahin mo na di na mag ko-cross ang landas nating dalawa dahil kung hindi, tutuluyan na kita," banta ko sa lalaki.
Mabilis akong tumalima. Hindi alintana ang pinupukol na tingin sa'kin ng kapwa ko estudyante. Sinadya ko pang banggain ang balikat ng pakialamero kong kapatid. Ngumisi lang ako nang marinig ang reaksyon ng mga ito, na puro masasama tungkol sa'kin.
Bago pa man ako tuluyang makalayo sa lugar na iyon ay may kamay na pumigil sa akin sa pagla-lakad. I was greeted by her ocean blue eyes.
"What?" malamig na tanong ko dito. Hawak pa rin n'ya ang aking braso.
"Don't mind them. They know nothing, wag mo nalang ulit silang papatulan," saad n'ya at binitawan ang aking braso.
Humakbang pa ito ng dalawa upang mas magka-lapit kami. Rinig ko ang kalabog ng aking puso na tila lalabas na sa aking dibdib. Lalo na nang kabigin n'ya ang aking mukha para magpantay ang aming tingin. Pigil ko ang aking hininga nang dumampi sa aking pisngi ang dulo ng kanyang daliri dahil sa pag aayos nya ng suot kong salamin.
Umayos na sya ng tayo nang maiayos ang pagkaka-suot no'n. Binalingan naman n'ya ang aking suot na damit na bahagyang nalukot dahil sa pagkaka-sakal ko sa lalaki kanina.
"Jaz," tawag ni Archer dito.
Nakita ko ang sakit na dumaan sa kanyang mata nang mapako ang tingin n'ya sa kamay nito na naka-hawak pa rin sa kuwelyo ng suot kong polo shirt. Pero kahit ganun ay hindi ako nakaramdam ng saya na makita s'yang nasasaktan, dahil alam ko sa amimg dalawa...ako 'yong dapat masaktan.
Inalis ko ang pagkaka-hawak n'ya sa aking damit . Hindi na ako muling lumingon pa sa kanilang dalawa. Isang malaking pagkaka-mali kung gagawin ko iyon.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomansaAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.