Eury Pov
Naihilot ko na lamang ang aking kamay sa sentido. Tambak ang iba't-ibang folder sa aking table. May mga need ireview na design, and project proposal. My ghad, kailan kaya mababawasan ang mga nakatinggang gawain na ito. Karamihan pa sa mga field engineer na hawak ko ay baguhan, madalas nagkakaroon ng problema sa site. Kung alam ko lang na ganito pala nakaka-stress, ang trabaho ng project engineer, ay hindi ko na ito tinanggap.
Napukaw ang atensyon ko nang tumunog ang telepono sa aking table.
*Yes*
*Eng. Diaz, pinaaakyat po kayo ni Sir Damaian sa office niya* sagot ng secretary ko sa kabilang linya.
*Alright, thank you* Binaba ko na ulit ang telepono.
Kinuha ang blazer na nakasabit sa aking upuan, sinuot iyon at lumabas ng aking opisina.
"Eng. Diaz, schedule ngayon ng inspection ng foundation sa site natin sa Bulacan," harang sa akin ng isang engineer na under sa supervision ko, pagkalabas ko ng opisina.
"Sige. Mamaya na lang natin pag-usapan ang tungkol dito," sagot ko sa kanya. Tumango naman ito, at muling bumalik sa kanyang table. "Eng. Valdez, paki-send sa akin ang report mo about sa progress ng site natin sa Q.C," bilin ko sa isa pang engineer na nadaanan ko.
"Yes, Engineer."
Matiyaga akong naghihintay nang pagbukas ng elevator. Ano na naman kaya ang kailangan ni Sir. Pagkabukas noon ay agad akong sumakay, at pinindot ang 12th floor.
Maraming bumabati sa akin na nakakasalubong ko sa hallway. Nginingitian ko lang ang mga ito. Kumatok muna ako bago pihitin ang door knob ng opisina ni Mr. Damian.
"Good morning, Sir. Pinatatawag n'yo raw ako," bati ko rito.
May kasama siya sa loob, nakatigilid ito habang ang isang siko ay nakatuon sa ibabaw ng lamesa. Naka-pale blue long sleeve button down shirt.
"Ah yes Eng. Diaz. Come here," senyas nito sa akin. Agad akong lumapit sa kanyang table. "Eng. Diaz, this is Arch. Drickson, the architect in charge sa new project na hahawakan mo."
Awtomatikong bumilis ang pag pintig ng aking puso nang marinig ang apelyidong iyon. Tumayo ito at nilahad ang kanyang kamay. Tinitigan ko lamang iyon, hindi malaman kung tatanggapin ba o hindi.
"It's nice meeting you again, Eng. Diaz." Binaba na lamang niya ang kamay, at siinilid sa bulsa ng pants.
Ilang taon na nga ba? Lima? Limang taon na simula no'ng huli ko siyang makita. Mula noon wala na akong naging balita sa kanya. Iniwasan ko na ang lahat ng tungkol sa kanya. Tapos ngayon ito, nakatayo siya sa harapan ko habang nakakurba ang mga labi. Limang taon na, ngunit 'yong puso ko kilalang-kilala pa rin siya.
Malaki ang pinagbago niya. Kung noon ay mai-intimidate ka sa kanyang aura, ngayon ay maamo na ang dating noon, maaliwalas. Mas nag-matured din ito. Umiksi na ang bangs nito na noon ay tumatakip sa kanyang mata, nakahawi na iyon na umaabot lamang sa kanyang kilay. Wala na rin ang makapal niyang salamin. Nagagawa na niyang ikurba ang kanyang labi na hindi pilit.
"Done checking me out?" nanunuyang tanong nito. Inirapan ko siya at umiwas ng tingin. Mukhang yumabang din siya, sabagay sadya na 'yon.
"So magkakilala na pala kayo?" tanong ni Sir.
"Yes, Sir, we were schoolmates," sagot nito.
"Teka lang, Sir. May ibibigay na naman kayong project sa akin?" pilit kong tinago ang inis sa aking boses. "Pero hindi pa po tapos ang hinahawakan kong project sa Q.C, Bulacan, Batangas, at Laguna."
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.