Chapter 35

46 6 0
                                    

"Why didn't you tell me?!" galit na sinugod ko ang aking ama nang makabalik sa mansion.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo. Natakot ako na baka pag nalaman mo ang totoo i-surrender mo ang sarili mo sa police. Andami-dami mo nang pinagdadaanang sakit, ayaw ko nang idagdag pa iyon sa mga iisipin mo. Biktima ka lang rin naman, may kung sinong nag-alis ng preno ng sasakyan mo. Hindi ko rin naman inaasahan na makikilala

mo ang anak niya, at magiging girlfriend pa," mahabang paliwanag nito.

"No, I wouldn't accept that reason of yours," saad ko at nilisan na ang opisina niya.

Pagod na pagod na ako sa mga kasinungalingan niya. May dapat pa ba akong paniwalaan sa mga sinasabi niya? Tang ina! Kasalanan ko rin naman, kung hindi sana ako nagmaneho paalis doon sa hotel na pinag-ganapan ng engagement party nila Archer at Jazmine noon, hindi ko masasagasaan ang tatay ni Eury. Kung hindi ako sumali sa mga gang na 'yan, hindi nila pagtatangkaan ang buhay ko, at hindi nila aalisan ng preno ang sasakyan ko. Kahit saang anggulo tingnan, ako pa rin 'yong puno't-dulo ng lahat.

"Ate!" nag-aalalang tawag sa akin ni Arby. Sinalubong niya ako ng yakap.

"She's mad ate me," bulong ko sa kanya.

"No, maiintindihan din iyon ni ate Eury," pagpapalakas niya sa aking loob.

Hindi, sa tingin ko hindi. Nakita ko kung paano niya ako kamuhian. Lumayo s'ya sa akin na para akong halimaw na handa siyang sakmalin. Ilang buwan ko siyang nakasama, nalaman na niya lahat ng pangit tungkol sa akin. Subalit kanina ko lang siya nakitang natakot.

"I want to ask for forgiveness, but she ran away. She was so scared to me, like I am the worsted person she ever met," pagpapatuloy ko.

"Just give her time," saad nito na mas humigpit ang yakap sa akin. Umiiyak rin na kagaya ko.

"Moon..." Kumawala ako sa pagkakayakap kay Arby nang marinig ang boses ni Archer. "Let's go, pupuntahan natin s'ya."

Nagmamadaling lumabas kami ng bahay. Kung kinakailangan na magdamag akong maghintay sa kanya ay gagawin ko, mapatawad lang niya ako. Pag nawala siya sa akin, baka tuluyan ng maging bato ang puso ko.

Si Archer ang nagmaneho. Wala pang kalahating minuto ay tinatahak na namin ang eskinita papunta sa tahanan nila Eury.

Kumatok ako sa kahoy na pintuan. Alam kong gising pa sila, dahil bukas ang ilaw sa kanilang kabahayan. Maya-maya ay bumukas ang pintuan.

"Anong ginagawa mo rito?!" sigaw ni Harold nang makita ako.

Sumulpot sa likuran niya ang iba pang kapatid.

"Umalis ka na! Hindi namin kailangan ang mga sinungaling na kagaya ninyo!" muling singhal niya.

"Please, gusto ko lang makausap si tita, pati na rin kayo," pakiusap ko na halos hindi na lumabas sa aking bibig.

Nahihiya ako, sobrang nahihiya ako. Sino bang hindi, kung 'yong mga taong kaharap mo ay ang pamilya ng taong napatay mo.

"Hindi..."

"Harold, papasukin mo sila," putol dito ni tita. Malumanay pa rin ang tinig nito.

Labag man sa kalooban ay niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan. Lahat ng kanilang tingin ay nakatuon sa akin, isang pares lang ng mata ang hindi. Ang babaeng nakaupo ngayon sa sofa, yakap ang mga tuhod niya, nanatiling nakatungo lang.

Walang ano-anong binagsak ko ang tuhod sa sahig nila. Pinagsalikop ang mga kamay. Niyukod ang ulo, kitang-kita ko kung paano pumatak ng sunod-sunod ang aking luha sa malamig na semento.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon