Maririnig ang tampisaw ng tubig. Ang malalakas na tawanan na nanggagaling sa pool area pagkapasok palang ng gate. Inihinto ko ang kotse sa may guard house.
"Kuya, pwede bang paki-pasok nalang itong kotse sa garahe," pakiusap ko sa isang gwardya na naroroon.
"Sige po. Ako na'ng bahala d'yan." Nginitian ko ito saka nagsimulang maglakad paikot ng bahay.
Sa back door nalang ako dadaan para di nila ako makita. Mahirap na baka maaya pa ako ng wala sa oras.
"Ay kabayo!" Gulantang na napa-tingin si yaya sa screen door na bigla kong itinulak. "Dyos ko na bata ka! Papatayin mo ako sa gulat" Nag peace sign lang ako rito. Wala na naman itong nagawa nang ngitian ko s'ya.
"Para sa'kin ba 'yan, ya?"Dadampot sana ako ng isang sandwich sa plato nang hampasin nito ang kamay ko. "Gusto ko n'yan eh." Naka-labi kong pag papaawa sa kanya.
Pumwesto ako sa likuran nito at yumakap. Ipinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat. Patuloy lang s'ya sa pag-gawa ng sandwich.
"Bakit di ka makipag bonding sa kanila roon?"
"Ang sarap mong yakapin yaya, ang lambot-lambot hahaha." Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.
"Tinatanong kita, Moon." Kumalas ako sa pagkaka-yakap.
Isinandal ko ang aking likod sa counter. Pinag-cross ang kamay sa dibdib.
"Hindi naman nila ako kailangan do'n. Masisira ko lang ang image nila as perfect family." Umangat ang sulok ng aking labi.
"Ano ka ba namang bata ka. Dati naman ay nakikisali ka sa kanila roon. Pumunta ka lang ng amerika pagbalik mo--" Naputol ang kanyang sasabihin nang bigla kong dukutan ang sandwich na nasa plato saka kumaripas ng takbo.
Huminto ako nang di ko maramdaman na sinundan ako nito. Narinig ko lang ang pagre-reklamo n'ya. Natatawang humawak ako sa tuhod ko na habol ang pag hinga. Medyo malayo kasi ang kitchen dito sa living room.
Nag-angat ako ng ulo nang bumalik na sa normal ang aking pag hinga. Dahan-dahan akong pumihit paharap sa glass window na nasa tapat ng kinatatayuan ko. Kumagat ako sa sandwich na hawak, halos nangalahati iyon.
Dahan-dahan kong nginuya ang laman ng bibig, habang naka-masid sa labas. Bakas sa mga mukha nila ang labis na saya. Si Archer at Arby ay nagha-habulan sa gilid ng pool. Mahina akong natawa nang madulas si Arby at nahulog sa tubig. Si dad at tita naman ay naglalaro ng billiard. Inaasar niya si tita sa tuwing masho-shoot n'ya ang target sa butas, si tita naman ay nagpa-paypay gamit ang kamay, parang sinasabi na, mahangin si dad.
They really look like perfecr family. So it was better if... I wasn't there. I will only hurt myself.
"Moon, ayos ka lang ba?" Nilingon ko saglit si Ysa. Isa sa kasambahay namin. Simula pa noon hindi talaga ako nag papatawag ng ma'am o ano. Gusto ko kasi maging at ease sila sa'kin, pamilya na rin ang turing ko sa kanila.
"Yeah," maiksing sagot ko. Akma na itong aalis nang muli akong mag salita. "Do you have a family, Ysa?"
"Oo naman. Nasa province sila, miss na miss ko na nga sila eh." Halata sa boses nito ang lungkot.
"Bakit di mo sila bisitahin?" tanong ko na sa labas pa rin nakatingin.
"Eh ang layo ng lugar namin 'no, sa Cebu. Ang mahal pa ng pamasahe, 'yong ipapamasahe ko ipapadala ko nalang kesa naman gumastos ako tas pagdating doon nganga." Humarap ako sa kanya.
May kinuha sa bulsa ng suot kong short.
"Oh, I'm giving you 2 weeks vacation. Visit them, make time for them, before it's too late. You know, your parents getting older." Iniabot ko sa kanya ang lilibuhing pera na kinuha ko sa wallet. "Wag mo nang isipin yung sa ticket, ako na ang mag bo-book online. Pag okay na pwede ka nang umuwi, ako na'ng bahala mag sabi sa kanila."
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.