Eury Pov
Abala ang lahat sa paglilinis ng site na pagtatayuan ng hotel. Masyadong matalahib ang lugar kaya sa tingin ko ay matatagalan kami.
"Tingnan ninyong mabuti 'yong hangganan huh, baka lumalagpas na kayo sa kabilang lote!" paalala ko sa mga worker. "Saan ka pupunta?" tanong ko kay Moon nang pagpihit ko ay nakita ko ito.
Naka-long sleeve ito na kagaya ng suot ng workers. May dala-dalang gulok na pamputol ng damo, at naka-boots.
"I'm going to help them, why?" sagot nito.
"Hindi mo na kailangang gawin 'yan," saad ko rito.
"Don't worry I know how to cut grass. Especially wild grass that surrounds to my blossom." Nilibot nito ang tingin at huminto kay Gelo na nakatayo di kalayuan sa amin.
May laman ata ang sinasabi nito. Hindi ko na ito napigilan nang dire-diretso itong pumunta sa mga nagtatabas ng damo.
"Hoyyy!" sigaw ko nang makita itong nadulas. "Ayos ka lang?" tanong ko nang makalapit sa kanya.
"Yeah, actually I intentionally did it." Naiiling na sinundan ko na lamang ito ng tingin, mukha kasing nagta-tantrum na limang taong gulang na bata.
Ano na naman kaya ang problema noon?
"Eury!" lumingon ako sa gawi ng tumawag sa akin. Si Selastine. Naglakad ako palapit rito.
"Masyadong madamo ang lugar, baka matagalan ang paglilinis dito. Magkakaroon ng changes sa time frame natin," pahayag ko rito, habang nakatanaw kay Moon na ngayon ay nagsisimula nang makitabas doon.
"Ayos lang, hindi naman nawawala ang delay sa mga ganitong proyekto," turan nito. "Teka, anong ginagawa no'n doon?" turo nito kay Moon.
"Gusto raw tumulong," natatawang sagot ko. Halata naman kasi na hindi ito maalam sa pagtatabas, masyado kasing mapilit.
"Lahat nalang ata gusto niyang matutunan,"wika nito na natatawa rin. "Alam mo bang no'ng umalis ka, hindi siya nagpabaya, sa halip nagsumikap siya. Sabi niya para in case na bumalik ka, makita mo 'yong best version n'ya."
Unti-unting nawala ang malawak na ngiti sa aking labi. Nanatiling nakatitig ako sa kanya, binibiro siya ng mga trabahador, tumatawa siya na parang matagal na niyang kakilala ang mga ito. Malayo na siya sa dating s'ya, 'yong tanging sa akin lang nakikipagtawanan, ngumingiti, at nagiging malambot. Selfish na ba ako kung sasabihin kong...mas gusto ko 'yong dating s'ya.
"Ayos ka lang?" untag sa akin ng katabi ko.
"Uhm..." tango ko.
Napalis ang tingin ko sa kanya nang pumaling ang tingin nito sa akin, tila pinag-uusapan nila ako roon, dahil ang mga worker ay nakatingin din sa amin.
Nag-usap pa kami ni Sela tungkol sa mga dapat gawin sa proyekto. Umalis din siya pagkatapos noon, pupunta pa raw siya ng Cebu para bisitahin ang kanyang resort doon.
Pinagpahinga ko na muna ang mga worker upang makapag snack.
"Hey babe, kumain ka rin..."
"Here, don't starve yourself." Bago pa man makalapit sa akin si Gelo ay humarang na sa amin si Moon
"Ako nalang kakain nito," bulong no'ng isa na walang nagawa kundi umalis nalang.
Kinuha ko ang hawak niyang sandwich. Inalis ang tissue noon at kumagat.
"Where do you stay for a while?" Nilunok ko muna ang aking kinakain bago siya sagutin.
"Sa kakilala ko sa Batangas. May resort din kasi kaming ginagawa roon. Siguro'y dalawang buwan pa bago tuluyang matapos," saad ko. Inabutan niya ako ng bottled water.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomantizmAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.