"Parang awa mo na, Moon, alisin mo na 'yong nakapaskil sa bulletin board." Isang babae ang nakaluhod sa harapan ko.
Umaagos ang luha sa magkabilaan niyang mata. Bawat hagulgol niya ay rinig na rinig ko. Isa s'ya sa nambugbog kay Eury, binunyag ko ang iniingatan niyang sikreto. Nabuntis s'ya ng kaklase niya, dahil ayaw s'ya nitong panagutan, ay pinalaglag niya ito.
Pinagkakaguluhan ng mga estudyante ang mga nakapaskil sa bulletin, marami pa silang nagmamakaawa sa akin. Sabi ko naman kasi sa kanila, 'wag nila akong kakalabanin.
"Hindi kayo sa akin may atraso, kay Eury. Gusto kong lumuhod kayo sa harapan n'ya. Humingi ng tawad." Tumaas ang tingin niya sa akin. "Kung ayaw n'yo, then no one can stop me."
Naglakad na ako palayo sa kanya. Marami pa ang humaharang sa akin, ngunit tinatabig ko lang sila. Iyon ang hinihiling ko, at kung hindi nila iyon kaya, pasensyahan nalang kami.
"Bakit mo 'yon ginawa?" tanong ng babae sa harapan ko.
"Ang alin?" maang na balik tanong ko sa kanya
Andito kami ngayon sa coffee shop ko. Nakatuon ang dalawa kong kamay sa counter, kaharap s'ya. Walang masyadong customer kaya naman, nakakapag-usap kami.
"Andaming lumalapit sa akin, humihingi ng tawad. Nabasa ko rin 'yong mga nakapaskil sa bulletin board, Moon..." Hinarap ko s'ya, tiningnan diretso sa kanyang mata.
"Kung sino man ang manakit sa'yo, doble ang sakit na ibabalik ko sa kanila. Tama lang na humingi sila ng tawad, dahil kung hindi ay pauulanin ko pa ang sikreto na tinatago nila," saad ko.
"Moon..."
"Eury, just let me, okay. Siguro nga hindi tama 'yong pamamaraan ko, pero sa tingin mo ba, tama rin 'yong pamamaraan nila?"
Saglit s'yang natigilan sa tanong ko, marahil iniisip ang punto ko.
"Gano'n ang kalakalan ng buhay. Kung hindi sila lumalaban ng tama, dapat gano'n ka rin," dagdag ko pa.
"Pero..." Nilagay ko ang hintuturo sa aking labi.
"Square ka ba?" Takang tinapunan ako nito ng tingin. "Because all your sides are equally beautiful."
"Ang galing mo rin eh no, ginagamit mong pagtakas ang pagbanat." Mahina niyang hinampas ang aking balikat
"I'm not, I'm just stating the fact." Hindi nakatakas sa aking mata ang pamumula ng kanyang pisngi.
Mas lalo ko pa s'yang inaasar dahil talagang pulang-pula na ang kanyang mukha. Napukaw lang ang kulitan namin nang may pumasok sa pintuan.
Agad nawala ang ngiti sa aking labi. Nakasuot ito ng denim jacket at rippep jeans. May hawak na boquet of white roses, agad lumanding ang tingin niya sa babaeng kausap ko.
"Archer," usal ni Eury sa pangalan niya. Nag-iwas ako ng tingin ng makita ang pagliwanag ng mata niya.
"Hi, gusto ko lang..."
"Bawal manligaw dito." Di ko na s'ya pinatapos sa kanyang sasabihin.
"Si Eury ang..."
"Hintayin mo na lamang ako sa labas," awat ni Eury.
Walang nagawang tumango na lamang ito, at muling lumabas.
"OT ka hanggang 9," saad ko na ikalaki ng mata n'ya. "I'm just kidding. If you want, you can go now."
"Hindi na, tatapusin ko na ang shift ko," tanggi nito sa alok ko.
"It's up to you."
Hindi na ako muling nagsalita pa. Ramdam ko ang mga mata niyang nakatutok sa akin. Mabuti nalang may dumating na customer, kaya nawaglit ang atensyon n'ya mula sa akin.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.