Chapter 22

40 7 0
                                    

Kay aliwalas na umaga. Ang sarap mabuhay sa earth. Nag-inat ako ng braso. Lumapad ang ngiti ko, nang lumabas ang babaeng hinihintay ko.

"Good morning, baby," bati ko rito, pabiro ako nitong inirapan, kaya sabay kaming natawa.

"Good morning, ate Moon," sabay-sabay na bati naman ng apat, nakasuot na sila ng uniforme. Handa nang pumasok.

"Good morning," balik bati ko sa mga ito.

"Ikaw na ang bahala sa kanila, Moon," sabi ni tita na buhat si Cleo. Mamayang gabi pa ang pasok nito sa pinagta-trabahuhan.

"Opo, halina kayo," aya ko sa kanila. "Bye tita, bye Cleo," paalam ko. Kumaway lang naman ang munting bata.

Magkaka-sunod kaming lumabas ng kanilang bahay. Pa-simple kong kinuha ang kamay ni Eury, inilagay sa pagitan ng mga daliri niya, ang aking mga daliri.

"Tsansing 'yan huh," sita nito sa akin.

"Paano naging tsansing 'yon? Eh girlfriend naman kita," katwiran ko, nakatikim naman ako ng kurot sa tagiliran.

"Oh violent, I like that," wika ko na ginaya pa ang boses ni Daniel Padilla.

"Gusto mo kurutin ko 'yang apdo mo." Pagsakay nito sa akin, ginaya naman ang boses ni Kathryn. "Gagi dapat pala ako muna."

"Mukha kayong timang dalawa," singit ni Harold, muntikan na itong masubsob nang batukan ni Eury.

"Ngayong alam ko na, na ganyan pala kalala ang magkaroon ng jowa, ay hindi ko nalang susubukan, masisira ang buhay ko," segunda pa ni Henry. Tumawa naman ang tatlo.

"Masisira talaga ang buhay mo sa akin," sagot naman nito sa kapatid.

"Ate may jeep na!" sigaw ni Jinggoy na pinapara na ang paparating na jeep.

"Oo, Jinggoy nakikita namin, singkit tayo pero kasya naman ang jeep sa paningin natin," pambabara naman ni Harry sa kapatid. Magkakapatid nga sila.

Kami palang ang sumakay ay halos mapuno na ang jeep. Tuloy pa rin kami sa kulitan sa loob. Madadaanan lang kasi namin ang eskwelahan nila.

"Bye ate, ate Moon," paalam ng tatlo nang tumigil ang jeep sa eskwelahan nila. Kumaway lamang naman ako.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami ni Eury sa university. Sabay kaming bumaba ng jeep, agad kong kinuha ang kamay niya.

"What?" taas kilay na tanong niya. "Gusto ko lang ipaalam sa kanila, na pag-aari na kita."

Mahina n'ya akong hinampas sa balikat, kinagat niya ang pang ibabang labi upang pigilan ang pag-silay ng ngiti, pero 'yong mga mata naman ay kumikinang. Natawa ako nang makita ang pamumula ng kanyang mukha, kinikilig ang baby ko.

Bawat madadaanan naming estudyante ay napapatingin sa magkahawak naming kamay. Ngunit gaya noon, wala akong pake, kung ano man ang tumatakbo sa isip nila ngayon, ay hindi ko na problema.

"Hanep! Proud na proud ah," may umakbay sa amin ni Eury. Walang iba kundi ang kapatid kong pakialamera, tinulak ko ang mukha n'ya gamit ang palad.

"Inggit ka lang, ayaw pa kasing sagutin si Sela," pang-aasar ko sa kanya.

"Ehem, bawal pa," singit ng isa pa.

"Kainis iyan si kuya eh, sabi n'ya pag naka-graduate na raw ako," parang batang sumbong ni Arby.

"Grabe ka naman, paranasin mo naman itong kapatid natin, ng holding hands while walking dito sa university." Pare-pareho kaming natawang apat.

"Halika na, Arby, istorbo ka lang d'yan." Binitbit niya ito sa damit. Pa-simple itong nag thumbs up sa akin.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon