Sumalubong sa akin ang malakas at maingay na musika na iniindakan ng mga taong nasa loob ng bar na'to. Iginala ko ang paningin. Walang pamilyar na mukha akong makita. Kung sabagay kelan ba naging pamilyar sa'kin ang mukha ng mga estudyante na walang ibang alam gawin kung hindi husgahan ako.
"Hi," bulong ng isang babae sa tenga ko na sinamahan pa ng pag-dila.
Pumihit ako paharap sa kanya. Natatamaan ng ilaw ang kanyang mukha kaya napag masdan ko iyong maigi. Pwede na rin.
Hinapit ko ang bewang nito saka walang pakundangan na siniil ng halik. Nalasahan ko pa ang brandy sa bibig niya.
Naputol lang ang paghahalikan namin nang may malakas na tumulak sa'kin palayo sa babae.
"Gago ka ba?! Eh girlfriend ko itong pinapapak mo ah!" Naglalabasan ang ugat sa sentido at leeg nito. Kulang na nga lang ay lapain ako.
"Easy, hindi ko naman s'ya aagawin. I just taste her." Lalong nag-igting ang panga ng lalaki.
Huli na nang mapansin ko ang kamao nya na tatama sa aking mukha, kaya naman napa-baling ang aking mukha dahil sa lakas ng impact ng pagkaka-suntok n'ya. Nalasahan ko nalang ang sariling dugo. Pero imbes na gumanti ay nginisian ko lang ito saka dahan-dahang dinilaan ang aking labi.
Nagsisimula na rin kaming maka-agaw ng atensyon mula sa iba. Mas nagwala pa lalo ang lalaki sa ginawa ko. Samantalang ako ay kampante lang na nakatayo at nagagalak sa kanyang inaasal.
"Dude, let's go," awat ng isang lalaki na sa tingin ko ay barakada n'ya.
"Fuck you!" pa-habol pa ng lalaki.
"Oh I love fucking your girlfriend more." Babalik pa sana ito nang marinig ang sinabi ko pero nahila na kaagad s'ya ng kasama nya palabas.
Naiiling na nagtungo ako sa bar counter. Bumalik na rin sa kani-kanilang ginagawa ang mga nakiki-usisa kanina. Karamihan sa mga nandito ay estudyante base na rin sa itsura nila na mahahatala mong bata pa.
"One bottle of tequila," wika ko sa bar tender na hindi man lamang ito tinatapunan ng tingin.
"Hindi ka ba hihingi ng yelo para d'yan sa pasa mo?" Kunot-noo ko itong nilingon.
"Ikaw na naman? Goodness, saan ba ako pwedeng pumunta na hindi ka makikita," palatak ko nang makita ito. Ayan na naman 'yong ngiti n'ya..kairita.
"Ngayon sigurado na ako na sinusundan mo talaga ako," tumatango-tango pa na wika nito bago i-abot sa'kin yung isang bote ng tequila.
"Dream on, miss." Tinaas ko pa ang bote sa harapan nya.
"Kung ikaw lang din naman papangarapin ko, wag na uy. Basta nalang nang lalaplap ng kung sino..eww." Sinamaan ko ito ng tingin. Iniinsulto ata ako ng bwisit.
Hindi nalang ulit ako nag-salita. Uminom nalang ako sa bote na hawak. Habang ang mata ay abala sa paghahanap ng pwedeng maging dinner ngayong gabi.
"Window shopping lang?"
"Mind your own business. Magtrabaho ka nalang kesa pakialaman ako." Tumayo ako sa aking kinauupuan. Dala ang bote ng alak.
Tinabihan ko ang babaeng kanina pa sumusulyap-sulyap sa pwesto ko.
"Alone?" bulong ko sa tenga nito. Kaagad naman itong lumingon at marahang tumango. "Cool".
"How about you?" Pinasadahan nito ng kanyang daliri ang aking mukha.
"I'm yours...tonight." Tila ba isang signal iyon sa babae na agad akong sinunggaban ng halik. Pero marahan kong inilayo ang sarili sa kanya.
"Not too fast, babe."
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.