Chapter 29

46 5 0
                                    

Malalim akong huminga nang malanghap ang sariwang hangin dito sa manggahan. Nagha-harvest sila ng mangga at tumutulong kami, o mas masasabing nanggugulo.

"Pwede po ba kaming humingi nito?" tanong ni Jinggoy sa matandang lalaki na nangangasiwa.

"Aba'y oo naman, iho," sagot ng matanda na natutuwa sa kabibuhan ng kapatid ni Eury.

Speaking of Eury, nasaan ba 'yon? Luminga ako sa paligid. May kausap itong lalaki, tila tuwang-tuwa siya sa sinasabi nito.

Nagmamartsang tinungo ko ang kinatatayuan niya. Mas lalong nag-init ang ulo ko nang makita kung sino ang lalaking kausap niya.

"What are you doing here?" sita ko sa lalaki

"Ow, I'm Gelo, I own that farm next to yours," sagot nito.

"I didn't ask," masungit na pambabara ko sa kanya.

"Baby," saway sa akin ni Eury na humawak pa sa aking braso.

Bakit ba nandito 'to? Kung pag-aari niya ang farm sa katabi namin, ay bakit dito s'ya sa farm namin tumatambay. Siya 'yong lalaki na nakasalo kay Eury doon sa palaro, no'ng nakaraan.

"Easy, I just want to be friends to your girlfriend." Nakakainis 'yong pagmumukha niya, may pag ngiti pa, halata namang nagpapapansin sa girlfriend ko.

"She'll not be friend with someone like you." I glared at him sharply.

Hinila ko na palayo si Eury sa kanya. Ang lalaking iyon, interesado s'ya sa girlfriend ko, at hindi ko siya hahayaang makalapit sa kanya.

"Nagseselos ka ba?" Tumigil siya sa paglalakad.

Binitawan ko ang kaniyang kamay. Inihilamos ang palad sa aking mukha, marahang sinabunutan ang sarili. Nanatili lang siyang nakatingin  sa akin.

"I'm sorry, but yeah, I'm jealous. I can't help it, it's like he's going to take you from me. I'm scared, baby, I really am."

Lumapit siya sa akin at niyakap ang mga braso sa aking bewang, sinandal ang pisngi sa aking dibdib. Sa paraang iyon, unti-unting nawawala ang aking takot, ang pag-aalala na baka makuha s'ya sa akin ng iba. Pinakakalma niya ang tibok ng aking puso. Ang sari-saring scenario na tumatakbo sa aking utak. She wakes the beast up in me, and the same time, she weakens the voices inside my head.

"Hindi iyon mangyayari, walang pwedeng kumuha sa akin sa'yo," turan niya. Tinuon ko ang aking baba sa kanyang bunbunan.

"Let's go home," wika ko. Tiningala niya ako, saka marahang tumango.

Yumukod ako upang taniman ng halik ang kanyang noo, ilong at labi. I-uuwi ko na s'ya. Alam kong hindi siya magpapakuha sa iba, pero kahit gano'n, hindi ko mapigilan ang sariling mainis, o magselos kapag kinakausap s'ya ng lalaking iyon.

"Halika, pumunta nalang tayo sa batis, para mawala iyang inis mo." Sumunod na lamang ako sa kanya.

No'ng nakaraan ay naglibot kami rito, nag picnic doon sa batis. Nasa gitna iyon ng kagubatan. Napapalibutan ng nagtataasang puno, ng mga malalaking tipak na makikinis na bato. Malamig ang tubig na sobrang linaw.

Tahimik lang kaming naglalakad habang magkahawak ang mga kamay. May panaka-nakang damo ang tumatama sa aking mukha.

"Andito na tayo!" kumikinang ang mga matang saad niya.

May tuyong dahon ang lumulutang sa tubig. Makikita rin ang mga lumilipad na paru-paru sa paligid nito, dumadapo sa mga maliliit na bulaklak sa paligid ng ilog. Yumukod ako upang pitasin ang kulay dilaw na bulaklak sa aking paanan. Humarap ako sa babaeng katabi, isiningit sa kanyang tenga ang munting bulaklak.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon