Chapter 27

42 7 0
                                    

Warning: R18

Tatlong linggo na mula nang makalabas ako sa hospital. Kahit di pa gaanong magaling ang aking sugat, ginagawa ko na ang mga bagay na pinagbabawal ng aking doctor.

Marahan kong hinihiwa ang sibuyas at bawang sa chopping board. Magluluto ako ng breakfast.

"Sabi ko sa'yo ako magluluto, tigas talaga ng ulo mo," saad ng isang paos na tinig mula sa aking likuran.

Napangiti na lamang ako nang isuot niya ang dalawang kamay sa pagitan ng aking braso, at iniyakap iyon sa aking tiyan. Ang kanyang mukha ay nakasubsob sa aking likuran.

Dito siya tumutuloy sa aking unit pansamantala, s'ya ang nag-aasikaso sa akin.

"Kaya ko naman na, baby."

Inikot ko ang katawan paharap sa kanya. Natawa nalang ako ng mahina, nang makitang pikit pa ang mata nito. Pinag-masdan ko lang muna ang kanyang maamong mukha, tulog na ata ulit, naririnig ko ang mahina niyang hilik eh, parang baby. Gulo-gulo ang buhok, pero 'yong ganda niya ay gano'n pa rin, hindi nababawasan.

Nilapit ko ang labi sa kanyang noo, iniayos siya ng pwesto. Ngayon ay nasa unahan ko na siya, nakasiksik ang mukha sa pagitan ng aking panga at leeg, ang paa niya ay tinuntong ko sa aking paa. Binalik ko nang muli ang atensyon sa niluluto. Malumanay lang ang kilos, dahil kapag napu-pwersa ang aking braso ay sumasakit ang aking sugat. Ang aking binti ay naitutuon ko na, may kirot pa rin ngunit hindi na gano'n kasakit.

Mabuti nalang at hindi niya napuruhan ang buto, isang hampas lang ang ginawa n'ya roon eh. Isa pa, hindi naman niya ako sa tuhod hinampas, kung akala niya na matalino s'ya, hindi, ang totoo ay tanga siya.

Hinayaan ko nalang muna na matulog si Eury, mas mahimibing ata ang tulog nito sa katawan ko. Mas malambot siguro ako sa kama.

Matapos ang pagluluto ay naglakad na ako papunta sa couch, hawak sa bewang ang babaeng tulog pa rin. Saktong nilalapag ko siya roon ay nagmulat siya ng mata. Muling lumambitin sa aking batok ang kamay, napahagikgik tuloy ako.

Walang nagawang naupo nalang ako at hinayaan s'yang nakakandong paharap sa akin. Hinagod ko ang buhok niya na nakalugay.

Kinuha ko ang bracelet sa aking bulsa. Meron itong tracker na nakakabit sa pendant. Sa nangyari sa amin, ay mas kailangan ko siyang protektahan ngayon. Sigurado akong mas marami pa ang magtatangka sa buhay niya, lalo na't alam nilang siya ang girlfriend ko. Marami akong nakabangga noon, ang iba pa nga ay malalaking organization, gang at mga halang ang bitukang sindikato. Isa pa, dati kaming miyembro ni Archer ng gang.

No'ng nasira ang samahan namin ni Archer ay pareho kaming tumiwalag. Kaya mas naging agresibo ang mga nakabangga namin, dahil alam nilang buwag na kami. Hindi pa man kami nagkakagulo ay marami na kaming kaaway. Nanahimik sila ng ilang taon, ngayon ay muli na naman silang kumikilos.

Dahan-dahan kong kinuha ang kamay ni Eury sa aking leeg. Sinuot roon ang bracelet, para ma-track ko oras-oras kung nasaan siya. Hinalikan ko ang likod ng palad niya pagkatapos isuot iyon.

"Hey..." Pupungas-pungas na nag-angat ito ng ulo.

"Bakit nandito na tayo?" takang tanong niya nang mapansing wala kami sa kwarto.

"Naglalakad ka pala ng tulog," maang na sagot ko. Nakakatuwa kasi siyang asarin.

Nanlaki ang mga matang umalis siya sa pagkakaupo sa aking hita.

"Totoo?"

"No, I'm just kidding." Hinila kong muli ang kanyang kamay paupo sa aking hita.

Pinatong ang aking baba sa kanyang balikat, at mas hinapit siya padikit sa aking katawan.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon