"Moon!" isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
Huminto ako upang hintayin s'yang makalapit. Ang laki na ng pinag-bago niya ngayon. Kung dati ay parati s'yang naka-ngiti, ngayon ay lungkot na lamang ang mababakas sa kanyang asul na mga mata. At nasasaktan din akong isipin na, ako ang dahilan noon.
Kahit naman nasaktan ako noon ni Jazmine, alam kong hindi n'ya iyon ginusto. Marahil nabulag lang ako ng sakit noon, pero ngayong malinaw na sa akin at tanggap ko na, naiitindihan ko na ang lahat.
"Jaz," saad ko. Bakas ang pagka-gulat sa kanyang mukha, ngayon ko nalang kasi ulit siya tinawag sa nickname niya. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi, kaya ginantihan ko iyon.
"Iyan ba ang epekto ni Eury sa'yo?" tanong niya nang makalapit sa akin, hindi naitago ang sakit.
Sabay kaming naglakad. Ang aking mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng suot kong pants. Habang siya ay nasa likod ang mga kamay. Nakayuko lamang s'ya, tila binibilang bawat hakbang.
"Jazmine..." Tumaas ang tingin niya sa akin. "I'm sorry."
"Huh?" Huminto s'ya sa paglalakad at hinarap ako.
"Masyado akong naging selfish, inisip ko lang 'yong sakit na nararamdaman ko, pero hindi ko naisip na nasasaktan ka nga rin pala. Hindi mo ginusto ang lahat, alam ko. Pero Jaz, masyado mo kasi ako noong ini'spoil sa possible na maging future natin, to the point na, naka-organize na sila sa utak ko. Iyong pag graduate natin ng sabay, then pagwo-work, pagpapakasal at pagkakaroon ng little one. Tapos bigla mo akong binagsakan ng words na 'Pumayag akong ma-engage kay Archer, hindi ko kayang suwayin si dad at mom' Pakiramdam ko noon, sinaksak mo ako patalikod. You pulled me up, then when you felt heavy, you suddenly let go of me. So when I was hurt, I didn't think about how you felt. And I'm sorry for that."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagpatak ng luha. Muli niyang iniyuko ang kanyang ulo.
"And now I realized that, I want you to be happy too. Jaz, stop loving me, stop hurting and blaming yourself, hmmm. There's a better person and place for you, and believe me you deserve it."
"But I want you to be that place." Tuluyan nang umagos ang kanyang luha.
"But I found my place, Jaz." Pinahid ko ng aking hinlalaki ang kanyang luha, napapikit na lamang ito ng dumampi ang aking balat sa kanya.
"But you're not her place."
"Kahit na, she's still the place I want to lay on," sagot ko.
"Moon..." nagsusumamo ang mga matang saad nito. Kinabig ko s'ya at isinandal ang kanyang ulo sa aking dibdib.
"You're special to me, Jaz. And seeing you in pain, breaks my heart. Hindi ko sinasabing madaliin mo ang pagmo-move on, but I hope that you try to forget me."
Hindi s'ya sumagot. Nanatili lamang s'yang nakasubsob sa aking dibdib. Alam kong hindi madali iyon para sa kanya. Pero kailangan niyang gawin, para di na s'ya masaktan.
Maya't-maya akong tumitingin sa aking relo. Naiinip sa tagal ng oras, ang bagal naman mag dismiss nitong prof namin. Gustong-gusto ko ng itapat ang kamay ng orasan sa 5pm.
May usapan kasi kami ni Eury, kakain kami sa labas. Sabi n'ya this time raw, treat niya. Oh diba, parang inaya niya ako ng date.
Mukha akong tanga na ngumingiti sa sarili. Pinalolobo ko lang ang aking pisngi, upang hindi mahalata ng mga kaklase ko.
"Okay class, dismissed." Pagkarinig niyon ay kaagad kong sinukbit ang aking bag.
Tinabig ang mga kaklase na masyado pang maraming arte, uuwi na't lahat mag mi-make up pa. Narinig ko ang mga kaklase ko na nagreklamo, pero nahihinto rin pag nakikitang ako ang salarin.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomansAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.