Moon Pov
Ordinaryong araw, makikita ang nagkalat na estudyante sa hallway. Kay aga-aga chismisan ang inaatupag.
Walang pakialam na diretso lang ang aking lakad. Ang isang kamay ay nasa bulsa habang ang isa ay nakahawak sa strap ng aking body bag. Bawat madaanan ko ay titigil sa pagkukwentuhan at titingin sa akin.
"Alam mo na ba 'yong kumakalat na balita?" rinig kong tanong ng isang babae sa kanyang kasama.
"Hindi eh, ano ba 'yon?"
Binagalan ko ang aking hakbang. Di ko alam kung bakit tila gusto kong marinig ang sasabihin n'ya.
"Ex daw ni Archer 'yong 4th year engineering student na nambugbog doon sa dalawang lalaki sa parking dati," pahayag nito.
Nahinto ako sa mismong tapat ng dalawang nag-uusap. Nang mapansin nila ako ay natatarantang umalis ang dalawa. Subalit di pa man sila nakakalayo ay nagsalita ako.
"Saglit," pigil ko.
"B-bakit 'y-'yon?" kinakabahang tanong no'ng isa.
"Sinong nagpakalat niyan?" walang emosyong tanong ko.
"H-Hindi ko alam. N-Narinig ko lang din 'yon," sagot nito, pagkatapos ay nagmaamadali na silang umalis ng kaibigan n'ya.
Maglalakad na sana ulit ako nang may marinig na mga estudyanteng nagkakagulo papunta sa soccer field. Hindi ko na sana papansinin, pero narinig ko ang pangalan ni Archer.
Nagkukumpulan ang estudyante sa field. May nangyayari ata roon. May kumukuha ng video. Iba't-ibang komento ang naririnig ko.
May tumutugtog na gitara na sinasabayan ng kanta mula sa kung sino. Ngunit kilala ko kung kaninong boses 'yon, hindi ako pwedeng magkamali. Sumingit ako sa mga estudyante na naroroon. Wala akong pake kung may mabangga ako at marinig ang reklamo nila. Ang mahalaga makapunta ako sa gitna.
Tama nga ako, s'ya 'yon. Nasa harapan n'ya ang babaeng tila pinagkit sa kanyang kinatatayuan. Halatang hindi ito sana'y sa atensyon na nakukuha niya.
"Can I court you...again?" tanong niya sa babae.
"What are you doing?" Hindi pa man nakakasagot ang babae ay sumingit na ako.
Tumahimik ang mga estudyanteng naghihiyawan kanina. Humakbang pa ako ng ilang hakbang palapit sa kanya.
"I'm asking you," wika ko ulit.
"Moon please, wag ka nang makialam dito," nangungusap ang tinig niya.
Binaling ko ang tingin sa babaeng ngayo'y nakatingin din sa akin. Marahil wala rin s'yang idea sa ginagawa ni Archer.
"You're courting a girl while you're in a relationship? Are you dumb?" Napasinghap ang mga estudyante sa paligid.
"We're done." Karamihan ay nagulat sa sinabi n'ya.
Pinalobo ko ang aking pisngi gamit ang aking dila. Imbes na mag-salita ulit, lumapit nalang ako kay Eury.
"Let's go." Hinawakan ko ang kanyang kamay. Di naman ito tumutol at nagpatianod nalang.
"Let her go," madiin na wika niya at hinawakan ang isang kamay nito.
"Get your filty hands off her, dumbass." Nagsukatan kami ng masamang tingin. Subalit sa huli ay sumuko rin s'ya at bumitaw.
"Eury!" bago kami makalayo ay muli nitong tawag. "Give me another chance, and I promise I won't do the same mistake I did before. Just let me prove it to you."
Hindi s'ya sinagot ng katabi ko. Naramdaman ko ang pagdiin n'ya sa pagkakahawak sa aking palad.
Pareho kaming nakasandal sa pader sa likod ng engineering building. Nakalagay sa bulsa ng aking pants ang dalawa kong kamay, habang ang isang paa ay nakatukod sa pader.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomantikAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.