Chapter 11

43 5 0
                                    


"Stop staring," saway ko sa babaeng kanina pa ako tinititigan na parang may ginawa akong krimen.

Tanging sa kalsada lang naka-tutok ang aking tingin.

"Di mo naman ako kailangang ihatid," ani n'ya. Saglit ko s'yang sinulyapan.

"I'm doing this as your boss," sagot ko. Kinabig ko ang manibela pa kaliwa.

"Baka isipin nila, may relasyon tayo."

Bigla akong napa-apak sa preno, mabuti nalang mabilis ang reflection ko at na-i-harang ko agad ang aking palad sa gilid ng dash board, kaya roon nauntog ang noo n'ya.

"Are you okay?" tanong ko habang inaalalayan s'yang maka-upo ng ayos.

"Ayos lang, bat bigla ka bang pume-preno?" naka-ngusong tanong n'ya.

"Ang assuming mo kasi. Tsss, lahat ng nag wo-work sa coffee shop ay pinapahatid ko pauwi. It's just that we have the same route, so I'm driving you home," paliwanag ko.

Tila napahiya na mariin n'yang tinikom ang kanyang bibig. Tinapik-takip pa n'ya ang kanyang braso.

"Hehehe sorry, pero di mo naman kailangan gawin 'yon. Kaya ko naman umuwi mag-isa," wika pa nito na sinusubukang isalba ang sarili sa pagka-pahiya.

"You're my employee now, your safety is my first priority."

Hindi s'ya sumagot. Naka-tingin lamang s'ya sa harapan ng kotse. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. Anong problema n'ya?

"Hey, are you okay? Are you hurt?" nag aalalang tanong ko.

"Magkaiba talaga kayo," wala sa sariling wika n'ya. "S'ya 'yong tipo ng tao na ipapakita sa'yo kung gaano ka kahalaga. Iyong tipong ka-i-inggitan ka ng lahat ng makakakita sa inyo, kasi napaka-perpekto n'ya. Hindi s'ya mahirap mahalin, kahit 'yong mga taong naka-palibot sa'yo, mamahalin din s'ya. Hindi n'ya hino-hold back yung feelings n'ya, pinapakita n$ya talaga kung ano 'yong nararamdaman n'ya."

Naramdaman ko na naman ang mga mata n'ya na nakatuon sa akin. Bago muling nag wika. "Pero bigla nalang s'yang mang iiwan sa ere na akala mo hindi ka naging parte ng buhay n'ya." Bakas ang sakit sa boses nito

Hinahayaan ko lang s'ya na mag salita. Baka no'ng time na iniwan s'ya ni Archer ay wala s'yang napag sabihan ng sakit na nararamdaman n'ya. Naiintindihan ko s'ya, kasi no'ng mga oras na nasaktan din ako ng sobra, wala akong mapag sabihang iba.

Yung feeling na para kang sinasakal araw-araw. Pilit mo nalang sinasalubong 'yong pag sikat ng araw. Sasabayan ng kalungkutan ang pag sinag ng buwan. Kahit sobrang lawak no'ng espasyo na meron ka, pakiramdam mo pa rin, sinisiksik ka hanggang sa hindi ka na maka-hinga. Gabi-gabi pinag darasal mo na, God kunin mo na ako, tas madi-disappoint kinabukasan kasi humihinga ka pa rin. Panibagong araw na naman na magpapanggap ka, na hindi ka nasasaktan.

"Do you...still, love him?" di ko mapigilang itanong.

"Uhm, di naman agad-agad mawawala 'yon. Lalo na s'ya 'yong first love ko," sagot niya.

"You said it's been 3 yrs since you broke up. Until now, you still haven't been able to move on?" muli'y tanong ko.

"Hindi naman sa hindi pa nakaka-move on. Kumbaga, andito pa rin s'ya," turo n'ya sa kanyang dibdib. "Pero tanggap ko na, na wala na kami. Di naman kasi nawawala 'yong love natin sa mga taong naging parte ng buhay natin. Ang pinag kaiba lang, kung noon araw-araw mong hinihiling na bumalik s'ya, ngayon kaya mo nang mabuhay ng wala s'ya."

Tumango-tango ako. "I see."

"Ikaw na-inlove ka na ba?"

Dahan-dahang bumuka ang aking bibig, ngunit muli ko rin iyong tinikom. Hindi ko inaasahan ang tanong n'ya. Binaling ko ang tingin sa kanya, kaya't nagtama ang aming mata. Ilang segundo kaming magka-titigan bago ko muling binalik ang tingin sa kalsada. Biglang bumigat ang atmosphere.

Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon