Automatic na bumukas ang gate ng malaking bahay sa aking harapan pagka-tapat ko rito. Mabilis kong pinaandar ang motorbike papasok at ipinarada ito sa garahe.
Hindi na ako nagulat nang maabutan ang isang matandang lalaki na abala na nakaharap sa kanyang laptop, nakatuon pa sa kanyang pisngi ang isang kamay at ang siko ay nasa tuhod. Umangat ang tingin nito nang maramdaman na naka-titig ako sa kanya.
"Where have you been last night?" napatigil ako sa pag akyat sa hagdanan nang magsalita s'ya.
"In my friend's party," maikling sagot ko na hindi na s'ya pinagkaabalahang lingunin.
"Did you attend your class?"
"Please, stop acting like you care for me, as far as I know you stopped being my father 6 years ago."
Hindi ko na inantay pa ang sasabihin nito. Sa tuwing nandito talaga ako sa loob ng pamamahay na to ay palagiing bumibigat ang aking dibdib. Malaki naman 'yong space pero ang sikip-sikip para sakin.
"You're home." Umangat ang tingin ko sa lalaking nagsalita sa harap ko.
Pinasadahan ko lang s'ya ng tingin. Nakangiti na akala mo'y close na close kami. Kung di ko lang alam na peke ang lahat ng pinapakita n'ya ay baka matagal na akong nahulog sa bitag n'ya.
"I'm sorry kung napagalitan ka na naman ni dad," wika niya. "Don't worry sasabihin ko sa kanya na umattend ka ng class."
"I don't need your help." Dire-diretso akong pumasok sa aking kwarto. Pinagbagsakan ko pa ito ng pinto nang akmang susunod sa loob.
Binagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama. Hindi na nag abala pang magpalit ng damit.
"I miss you, mom. Please comeback." Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha.
"Moon! Moon!" Agaran kong pinahid ang luha ko nang makarinig ng katok sa pinto ng aking kwarto.
Tumayo ako para pag buksan ang kung sino man na nandoon. Lumambot lang ang ekspresyon ko nang makita kung sino iyon.
"Yaya Gema."
Awtomatikong binuka nito ang kanyang dalawang braso. Ako naman ay sinugod ito ng yakap na parang batang nalayo sa kanyang ina. Isinubsob ang mukha sa kanyang balikat.
"Itong batang ito talaga." Hinagod n'ya pa ang likod ko na lalong nagpagaan sa aking pakiramdam. "Magpalit ka na ng damit at bumaba na, naka-handa na ang hapunan."
"Pero ya, ayoko silang makasabay." Kumalas ako mula sa pagkakayakap dito.
"Wag nang matigas ang ulo, sige na." Gusto ko pa sanang tumutol pero sa tingin ko ay wala nang makakapagpabago sa isip nito.
"Susunod nalang po ako roon." Nginitian pa ako nito bago tuluyang umalis.
Labag man sa loob ay nagtungo ako sa closet para mag palit ng damit saka bumaba.
"Ate!" masiglang wika ni Arby.
"Hi." Lumapit ako rito para halikan s'ya sa buhok.
Tanging ito lamang ang pinansin ko sa lahat ng taong nandoon sa dining area. Hinila ko ang bangko sa tabi niya saka walang pakialam na kumain. Sila naman ay taimtim lang ding kumakain.
"Sabi ni Jazmine galing ka raw sa hotel nila kanina,".basag ni dad sa katahimikan.
"Yeah," maiksing sagot ko.
"Ang sabi mo galing ka sa party ng kaibigan mo," ma-awtoridad na wika nito, na any moment ay bubulyawan ako.
"Honey calm down," awat dito ng asawa na na nasa kaliwang bahagi n'ya.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.