"Hoy Moonlight!" bagot na nilingon ko ang lalaking tumawag sa aking pangalan. May hawak itong baseball bat.
Naka-agaw iyon ng pansin mula sa mga estudyanteng nasa parking area ng university . Kaka-baba ko lamang ng kotse nang sumulpot nalang bigla ang mga ito. Marahil ilan sila sa mga naka-away ko. Hindi ko na tanda eh, sa dami ba naman noon.
"What?" nag unat pa ako ng katawan at nag hikab sa harapan nito.
"Tingnan ko lang kung makaka-ganyan ka pa kapag nalaman mo na nasa amin ang girlfriend mo." Naka-ngising sumenyas ang lalaki roon sa kasama n'ya.
Nagsimulang mag-bulungan ang mga nakiki-usyoso. Wala naman akong pake sa kung ano 'yong sasabihin o iisipin nila, wala naman silang ambag sa buhay ko. Kung sa business, bakit mo pag aaksayahan ng oras ang isang taong hindi naman mag i-invest sa'yo.
"Really?" Umangat ang sulok ng labi ko na ika-pagtaka n'ya. Binulsa ko ang dalawa kong kamay at sumandal sa kotse na nasa likuran ko.
"Hindi ka man lang threatened? Ibang klase, nasa amin 'yong girlfriend mo at hindi mo alam kung ano 'yong kaya naming gawin, tapos chill ka lang?" pagak na tawa nito. Inilibot niya ang tingin sa paligid saka binalik sa akin. Naka-patong na ang bat sa balikat n'ya.
"Eh wala naman akong girlfriend." Pinantayan ko ang tingin na pinupukol n'ya sa akin, nginisian ko pa ito na mas ika-asar n'ya.
"Wag mo akong binibilog, style mo lang 'yan." Dinuro n'ya ako gamit ang baseball bat. "Ilabas n'yo na 'yong babae!" sigaw nito.
Mula sa sasakyan ay lumabas ang dalawang lalaki na may hawak-hawak na babae. Nagpu-pumiglas ito mula sa pagkaka-hawak ng dalawa. Natatakpan ng ash gray niyang buhok ang kaniyang mukha. Iyon na naman 'yong blouse n'ya na halatang alaga sa laba kaya nananatili ang kaputian na tinirnuhan ng fitted black jeans. Ang sapatos n'yang kumupas na ang kulay.
"Bitawan n'yo nga ako!" sigaw nito na pilit inaalis ang kamay ng dalawa. "Pag ako naka-wala rito, babasagin ko talaga 'yang mukha ninyo," banta n'ya na tinawanan lang ng dalawa.
"Iyan 'yong girlfriend n'ya? What the, wala pala s'yang taste," rinig kong bulong ng isang babae na nakiki-ususyo lang.
"Kung ako sa inyo..bibitawan ko s'ya." Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang daliri. "Kasi totoong...kaya n'yang bumali ng buto or bumasag ng, alam n'yo na." Pinasadahan ko ng tingin ang dalawaang lalaki at huminto sa pagitan ng hita nila. Kita ko ang pag-lunok ng laway ng dalawa.
"Wag mo nga kaming niloloko. Babae lang s'ya, anong laban n'ya sa lalaki?" mayabang na wika ng kaharap ko.
"Then let her go and see," pang-hahamon ko.
Sinenyasan naman nito ang dalawa na bitawan ang babae. Agad iyong ginawa ng dalawang kumag.
Nang maka-wala sa dalawa ay sinuklay niya ang buhok pataas gamit ang kanyang daliri. Ngayon ay kitang-kita na ang mukha niya. 'Yong singkit niyang mga mata na mas naningkit pa nang makita ang mga lalaking humahawak sa kanya kanina.
"Hala! s'ya 'yong engineering student na bumugbog do'n sa Criminology student na nangungutong!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.
"Langya, di pa pulis nangungutong na. Dapat ngang bugbugin." Nag-tawanan ang mga estudyanteng naka-palibot sa amin.
"Astig naman talaga 'yan si ate Eury!" sigaw ng isang sophomore na halatang fan ng babaeng ito.
"Sa'n kayo pupunta?" Akmang aalis na ang dalawa dahil sa narinig nang hilahin ito pabalik ni Eury. "Kanina nakiki-usap ako na bitawan n'yo, tapos ngayon lalayasan n'yo ako, mali 'yon."
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomansaAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.