Eury Pov
Sa wakas ay nagkasundo na rin ang lahat. Napaka-sarap pala sa pakiramdam kapag nakapag-patawad ka. Kapag nakita mo 'yong kinalabasan ng lahat pagkatapos ng masasakit na nangyari. Ngayon masasabi kong hindi naman nasayang ang limang taon. Naging makabuluhan pa nga ito. Baka kasi kung pinilit namin noon, hindi kami nag-grow, hindi namin narealize ang mga bagay-bagay.
"Hoy! Parating na si Moon!" anunsyo ni Arby. Agad naman kaming naghanda.
Nandito kami sa site sa Tagaytay. Kinuntsaba ko silang lahat para i-surprise ang lokong iyon dahil birthday niya ngayon. Kasama ang pamilya niya at pamilya ko.
"Pwesto na!" sigaw ko. Pati mga trabahador ay kasabwat.
Narinig namin ang paghinto ng sasakyan nito. Kaya naman nagsi-tahimikan kami. Nakita ko ang pagbaba niya sa kanyang sasakyan. Luminga-linga ito sa paligid, halatang nagtataka kung bakit walang tao.
"Pagbilang kong tatlo, sabay-sabay tayong lalabas," ani ko sa mga ito. Itinaas ko ang kamay at nagsimulang magbilang, "Isa, dalawa, tatlo."
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you," sabay-sabay naming kanta.
Naka-ngiti lamang ito habang pinagmamasdan kami. Nakasuot sa bulsa ang dalawang kamay. Kumikinang ang mga mata na halatang sayang-saya.
"Sinong may pakana nito?" naniningkit ang matang tanong niya. Kahit ang totoo ay sa akin lang talaga nakatingin.
"Ate Moon!" sinugod ito ng yakap ni Jinggoy. Kahit ngayong labing limang taon na siya ay gano'n pa rin siya kalambing sa girlfriend ko. Maging ang tatlo.
"Si ate ang may pakana nito, ate Moon," wika ni Harold. Naalala ko na siya 'yong pinakang-galit na galit no'ng malaman ang totoo. Kasi siya rin ang pinakamalapit dito.
"Ang baduy diba, ate Moon?" panglalaglag naman ni Harry. Hinampas ko ito.
"Kailan ba naging hindi baduy ang mga plano niyan ni ate." Isa pa itong Henry na ito eh.
"Hahaha tigilan na ninyo 'yang ate ninyo," saway niya rito.
"I-blow mo na itong candle, ate," untag dito ni Arby.
"Hindi ko ibo-blow 'yan, hanggat hindi ko nakukuha 'yong sagot ni Eng. Diaz." Nangunot ang aking noo sa tinuran niya.
"Wala ka namang tinatanong ah," saad ko. Nagtawanan naman ang lahat ng nandito. "Ano ba 'yon?"
"Huwag kasing sa akin lagi nakatingin." Ang kapal talaga nito. Nginuso nito ang aking likuran.
Lumingon ako roon, nagtaka ako nang imbes na 'Happy Birthday' ang nakalagay sa banner ay iba. 'Joke lang, harap ka ulit' iyon ang nakasulat doon.
"Wala..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang paglingon ko ay nakaluhod na ito. Bumilis ang tibok ng aking puso, pakiramdam ko anumang oras ay lalabas ito sa aking dibdib.
"I'm not going to ask you to be my girlfriend again, or just to be my wife. I'm asking you now, to be my end. Will you be my endgame, baby? Will you riding this final wave with me?" Na-isapo ko ang aking palad sa aking bibig. Hindi ko inaasahan na ngayon niya ito gagawin. "Will you marry me?"
Lahat ay naghihintay sa aking isasagot. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman. Mas lalong kumalabog ang aking dibdib. Ang mga tuhod ko ay nangangatog. Ganito pala ang pakiramdam, akala ko noon ay simpleng saya lang, pero hindi pala. Parang may projector sa utak ko na nagpa-flash ng mga pictures namin together, mula sa simula hanggang sa mga susunod na araw.
BINABASA MO ANG
Riding Your Waves (Broken Soul Series #1)
RomanceAt some point, I treated myself as a monster living in the darkness, then you came and pulled me up in your light.