No proofreading. ang dami kong gustong sabihin kaso nakalimutan ko na, hahaha ^_^
Para akong nabato sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang mga nurse at doctor na humahangos papasok ng kwarto ni Papa. Gising na siya. Yan yung paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko ma explain yung feeling. Para bang any time soon pwede na kong sumabog. Hindi ko maintindihan kung magtatalon ba ko sa tuwa o ta-tumbling. Pero isa lang ang alam ko.
Masaya ako. Sobrang saya to the point na tumulo na lang bigla yung mga luha ko. Naramdaman kong may biglang pumisil sa mga kamay ko na siyang nagbigay panatag sa anxiety na nararamdaman ko.
“Aisha!” Napatingin ako agad sa tumawag ng pangalan ko. Humahangos pa ito dahil sa pagtakbo. Frantic ang mukha niya.
“Anong nangyari?”
“Mama-” pero hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil bigla na lang bumukas ang pinto. Sabay sabay na nabaling ang atensyon namin dito.
“Sino po ang pamilya ng pasyente?” tanong ng isang doctor na nasa mid-40s na.
“Asawa kop o sya.” Bakas sa boses ni mama ang pagkakaba.
“Congratulations! Gising na po ang asawa nyo. Magra-run lang po kami ng ilang test for observation and after that pwede na siyang ma discharge. I don’t know what happen. It’s still a mystery considering he had been asleep for a year now. Let’s just say that it’s another miracle that had happened here. Pwede na po kayong pumasok sa loob.” And then the doctor got out of the picture.
My mother looked at me. Her eyes were pool of tears and her face shows a lot of emotion I could no longer fathom. And I bet mine reflects it too. She extended her hand to me. Na para bang gusto nyang sabay kaming pumasok sa loob. At para bang naghahanap siya ng lakas. At nung iiabot ko na yung kamay ko sa kanya dun ko lang na realize na may iba pa palang nakahawak dito.
Unti unting kong tinignan ang magkahawak na kamay namin ni Bryce. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o tatawa. Pero na touch ako sa gesture, all this time andyan sya sa tabi ko to give me strength but here I am doing nothing but to break his heart.
“Pasok na tayo?” tanong ko kay Mama na siyang ngumiti sa akin at saka tumango.
**
Masaya ako.
Sobrang saya ko na tila wala ng paglalagyan ito sa puso ko. Pinagmamasdan ko lang si Papa na nakahiga sa kama at natutulog. Halos dalawang araw ko na siyang tinititigan. The day after he wake up hindi talaga ako pumasok ng school. Gusto ko palagi ko siyang nasa tabi at nakikita. Gusto ko palaging naririnig yung boses nya habang nagkukwento siya tungkol sa napakahaba nyang panaginip. And I’m glad my mother never give up when I together with other people almost did. Ilang beses na syang pinayuhan ng mga doctor na makina na lang daw ang bumubuhay sa kanya. Na mababawasan ang paghihirap ng lahat kung ile-let go siya. Yun din ang payo ng mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya namin. Masakit man pero dun din naman hahantong yun. But my mother refused and never listened to them.
“Babalik siya, nasa isang mahabang paglalakbay lang siya at nawawala. Pero babalikan nya kami.” Yan yung palagi nyang sinasagot. minsan naman “Aisha, magigising ang papa mo. Ewan ko kung bakit nasasabi ko pero ito yung nararamdaman ko. Magigising siya at magiging buo na ulit ang pamilya natin.” Hindi ko alam kung san nya nakukuha ang mga ito. As if merong invisible line na nagkukunekta sa kanila ni Papa kaya hindi niya magawang sumuko. That somehow she knows on the other end of the line my Father still keep holding his grip tight and refuses to let go.
Kami kaya ni Bryce may ganun din kaya kaming koneksyon?
Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako nakatulala kung hindi tumikhim si Papa. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. How I missed those smiles na hindi ko mapigilang hindi mamuo yung mga luha sa mata ko. Para kasing nasa panaginip ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Did I just witness a miracle gaya ng sabi ng mga tao dito sa Hospital? Pero hindi ko na masyado inisip yun, masaya at kontento na ako na naandito na siya ulit. Hindi ko alam kung ilang oras ako nag kwento sa kanya ng mga bagay bagay hanggang sa makatulog na siya.
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Teen FictionMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...
