Ibabalik ko na si Kyle.
Hindi madali ang naging desisyon ko. Hindi rin ito isang bagay na bastang naisip ko lang. Ginagawa ko ito kasi ito ang alam kong tama. Sabi nga ni Kate nanay din ako. Sa panahon na inalaga ko si Kyle oo nga siguro naging nanay din ako at bilang nanay alam ko kung anong nararamdaman nya. At hindi lang sa may karapatan si Kate sa kanya kundi may karapatan din si Kyle na maranasan ang pagmamahal ng tunay nyang ina. At sino ako para maging hadlang dun? Ako na babysitter lang nya? Ako na nagpalaki at nag-alaga lang sa kanya? Kung hindi ko bibigyan ng chance si Kate para sa anak nya para ko na ring pinagkaitan si Kyle sa pagmamahal ng nanay nya. At hindi ako ganin karamot. Saka in the first place anong ipagdadamot ko kung sa una pa lang hindi naman ako ang ina ni Kyle.
Napatingin ako sa batang naglalaro sa kama. Medyo kararating lang namin galing sa center na pinagkukunan ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero napatawa ako bigla. Dahil ngayon nakikita na ng mata ko kung sino talaga ang kamukha ni Kyle. Marahil nung medyo bata bata pa ito ay masasabi kong kamukha sya ni Bryce pero ngayong lumaki na sya. Hindi ko na makita si Bryce sa kanya dahil si Kate na. Si Kate na tunay nyang ina.
Naalala ko ang deal na ginawa namin ni Kate. Na papayag ako sa gusto nya sa dalawang condition. Una ay tutulungan nya si Bryce para hindi sya expel sa school. Papatunayan nya lang at sasabihin ang totoo na walang anak talaga si Bryce.
Hindi maipaliwanag na kaba ang naramdaman ko nung pumunta si Kate sa school. Kinakabahan ako dahil baka makita kami ni Bryce na magkasama. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya ang ginagawa ko. Dahil hindi ko kaya pang sabihin sa kanya. Hindi ko pa kayang makitang masaktan uli sya. At ang pangalawa? Yun ay hindi pa rin mawawala ang communication ni Bryce at Kyle at hindi pagkakaitan ni Kate si Bryce na makita ito.
Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto. Napakaraming nangyari sa akin sa kwartong ito. Dito ko unang naranasan ang magpalit ng diaper ng bata, ang magpaligo at mag timple ng gatas. Ang pag papanic sa tuwing hindi titigil si Kyle sa pag iyak. Yung mga times na patatawanin nya ko dahil sa pagiging bibo nya. At yung bigla ka na lang nyang yayakapin at hahalikan.
Pinunasan ko yung mga luha ko. Hindi ko kaya, yan ang sinasabi ng puso at kalahating parte ng utak ko. Inuutusan nitong sabihin ito kay Bryce at saka itakas si Kyle at magpakalayo layo. Habang ang kalahati naman ay nagsasabing kaya mo yan, maging matatag ka, tama lang ang ginagawa mo at para sa ikabubuti ito ni Kyle.
Nagulat na lang ako ng biglang gumapang palapit sa akin si Kyle at pinunasan ang mga pisngi ko. Matapos nun ay ngumiti sya sa akin. Napayakap ako bigla sa kanya at saka hinalikan sya sa noo.
"Kyle, tandaan mo. Mahal na mahal ka ni mama."
Nakayakap lang ako kay Kyle ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Bryce. Nagkatinginan kaming dalawa at saka sya naglakad papalapit sa amin ni Kyle. Naupo sya sa tabi ko kaya Naman isinandal ko sa kanya ang ulo ko. Sobrang pigil ng pag-iyak ang ginagawa ko. Dahil ito na siguro ang huling beses na magkakasama kaming tatlo na parang isang pamilya.
"Bryce?"
"hmmmm....?"
"Ibalik na natin ang hindi atin."
**
Hinding hindi ko malilimutan ang mukha ni Bryce ng sinabi ko yun. Halo halong emosyon ang naglaro sa mukha nya pero isa lang ang mas nangibabaw at yun ay sakit. Pero naiintindihan nya ko. Alam nya kung bakit yun ang naging desisyon ko at bakit ko yun nagawa. Hindi madaling bitawan ang isang bagay o tao lalo na't naging parte na ito ng buhay mo at yun ang nagpapasaya sa iyo. Pero sa kaso namin, may mga bagay talagang kahit gaano ipaglaban ay hindi ito yung para sa iyo kaya matatalo ka talaga.
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Novela JuvenilMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...
